• Home
  • Fresh Scoops
  • Ian Veneracion and Bea Alonzo share secrets behind ‘TonDeng’

Ian Veneracion and Bea Alonzo share secrets behind ‘TonDeng’

Ian Veneracion and Bea Alonzo feel overwhelmed by reaction to their tandem.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

4/8/2017 10:10 AM
Ian Veneracion and Bea Alonzo share secrets behind ‘TonDeng’


040817-IanBea_PUSH.jpgSa tumitinding pag-iibigan nila Anton at Andeng gabi-gabi sa A Love to Last, aminado ang mga bida nito na sila Ian Veneracion at Bea Alonzo na wala silang mga idea sa magandang dulot nito sa kanilang mga manunuod.

Kuwento pa ni Bea, natutuwa siya sa overwhelming na feedback na kanyang natatanggap sa kanyang social media account.

"Natutuwa ako kasi na-appreciate ng mga tao ang ginagawa namin na kahit simple lang. Dahil nga almost everyday na ang taping namin we don't realize kung ano na yung effect na sa viewers until may mga event at nakikita namin kung ano talaga ang effect and I'm very thankful. It's very overwhelming,"  sabi pa ni Bea.

Punong-puno din ng papuri si Ian para sa mga positibong komento na ipinapaabot sa kanya ng mga tao.

"Hindi naman ako masyadong active online pero palagi nilang sinasabi nanunuod sila palagi ng show so siyempre nakakataba ng puso."

Hindi man aktibo online, nagpapasalamat din si Ian sa magagandang feedback na kanilang nakukuha na ipinaabot sa kanya ng mga staff ng programa.

"Sa taping, they tell us na ganun nga sa social media maraming good feedback maraming kinikilig, nakakatuwa," sabi pa ni Ian.

Dahil sa mahusay na pagkakaganap niya bilang si Anton, naitanong din kay Ian kung ano ba talaga ang kanilang sikreto dito.

"I don't know. Maybe in this case, age is an Advantage and life begins at 40 I guess," pagbibirong pahayag ni Ian.

Bukod dito, sinigurado din ng Bea at Ian ang mga aabangan pang mas kapanapqnabik pang mga eksena sa A Love to Last.

"Kagaya nga ng sinabi nila laban lang at walang bitawan," kuwento pa ni Bea.

"Magiging kumplikado kaya dapat abangan dahil akala ng iba matatapos na ang show. Sabi ko hindi madami pang mangyayari,"  pahayag ni Ian