• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Marion Aunor going to US to pursue international career in songwriting

EXCLUSIVE: Marion Aunor going to US to pursue international career in songwriting

Marion Aunor says she will continue contributing to the local music scene while she’s abroad.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

4/8/2017 10:01 AM
EXCLUSIVE: Marion Aunor going to US to pursue international career in songwriting


040717-MarionAunor.jpgAfter her surprise birthday bash noong April 6 (her actual birthday is April 10) ay lumipad agad kinabukasan papuntang America ang Star Records singer-composer na si Marion Aunor kasama ang mom na si Maribel Aunor.

Mag-aaral ng songwriting si Marion sa Berklee School of Music at pansamantala muna siyang mawawala sa Pilipinas.

“Maybe around six months ako do’n, I don’t know. Gusto ko lang kasing i-explore yung mga stuff don. Yung teacher ko kasi, kinausap ko recently and sabi niya, maraming mga songwriting conventions don. Yung isang pupuntahan ko, si Stevie Wonder ang guest speaker, so, I want to make the most out of my trip doon,” kuwento ni Marion sa Push.com.ph bago siya umalis bansa.

Bakit kailangang sa Los Angeles pa siya mag-aral ng songwriting?

“Well, kasi sabi ng prof ko, it’s a really good place to learn more about songwriting and then networking na rin at the same time. So, yon yung plan ko this year to attend a lot of songwriting conventions at para makakuha ng mga opportunities and connections with other people.

“Mami-meet ko din for the first time yung prof ko since online lang kami at first kasi speaker din siya do’n sa convention so I’m looking forward to that,” dagdag niyang kuwento.

Sobrang na-encourage din daw siya sa feedback ng kanyang school at mga kasamahan sa style niya bilang composer kaya nag-decide din siyang mag-aral pa lalo ng songwriting.

“Na-encourage kasi ako sa feedback na nakukuha ko. Every week kasi nagsa-submit kami ng mga songs, eh, laging magaganda yung sinasabi nila about my music.  Tapos dito naman, sina Sir Roxy (Liquigan), lagi nilang sinasabi na international yung sound ko, so ayun, gusto ko din na dalhin don yung music ko elsewhere.

“Dito, nakapag-establish na rin naman ako. Nalalagay naman kahit papaano sa movies yung songs ko, nabibigay sa ibang artists din tapos may album naman. Pero gusto ko din kasing mag-explore ng opportunities.

“Talagang ultimate dream ko talaga na internationally ma-appreciate din ang music ko at maging known yung music ko,” deklara pa ni Marion.

Pero habang nasa States daw siya ay magpapadala pa rin siya ng mga komposisyon sa Pilipinas.

“Magse-send pa rin naman akong mga song kay Sir Jonathan Manalo para may ire-release pa rin akong mga songs dito. Tapos while I’m there, may TFC naman do’n, magiging visible din naman ako don,” kuwento pa niya.