EXCLUSIVE: Jon Lucas has no plans for a love life now

Jon Lucas admits having a girlfriend from showbiz would be too hard for him.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

4/8/2017 10:02 AM
EXCLUSIVE: Jon Lucas has no plans for a love life now


040817-JonLucas_PUSH.jpgWala munang balak magkaroon ng girlfriend ngayon si Hashtags Jon Lucas. Hindi rin daw muna siya manliligaw.

“Siguro pagkanatupad na po lahat ng pangarap ko,” ang medyo cliché niyang reaksyon.

Pero hindi raw naman niya itinuturing na sagabal ang mga babae sa kanyang career.

“Hindi naman po. Nagiging inspirasyon mo pa nga yun mga girlfriend-girlfriend na yan, eh. Ngayon po, wala pa talaga akong natitipuhan,” sey pa niya.

Ayaw ba niya ng showbiz girlfriend?  “Seloso po kasi ako, eh. So, pagka-showbiz din, baka mapraning lang ako. Baka masiraan ako ng bait kapag marami siyang nakakasalamuha na actor din o celebrity,” sambit pa niya.

Na-experience na ba niya ang ma-praning noon sa dating girlfriend?

“Hindi naman po. Wala naman akong na-experience na ganun. Kasi meron po akong kaibigan na naloloko, nakikita ko sa paligid ko yung nangyari, so don ko naiisip na what if sa akin mangyari tong ganito-ganyan – so don nag-start yung kapraningan.

“Mas okey siguro sa akin kung non-showbiz (girlfriend)… mas okey para sa akin para hindi magkaroon ng masyadong conflict at maiwasan yung selosan,” katwiran ng guwapong aktor.

Paano ba siya magmahal?

“Naku, sobra-sobra po. Grabe. Loyal talaga ako. Sobrang loyal. Lahat naman kayang gawin, eh, kahit naman sinong lalaki kung mag-i-effort ka sa maha mong lalaki, eh, mabibigay mo naman yung gusto niya.

“Ang akin lang, maipagmamalaki ko talaga yung loyalty. Nung nagpasabog nga ata ang Diyos ng konsensiya, nasalo ko lahat. Takot akong manloko… mahirap. Takot ako na magkasala sa Diyos.

 “Kasi yon nga, kung manloloko ako sa babae, hindi nga niya malalaman pero siyempre, makikita naman ng Diyos na may ginagawa ako,” dire-diretsong pahayag ni Jon.

Ayon pa kay Jon, so far ay naka 6 na girlfriends na raw siya.

 “Lahat naman po yon seryoso. May mga naka-fling na rin naman po, pero hindi ako sanay, ayoko ng mga ganun-ganun,” deklara pa niya.

Samantala, okey naman kay Jon kung sakaling magkakaroon siya ng ka-love team.

“Napakadami po kasing artistang babae na bago ngayon so bahala na po sila kung sinong ibibigay sa akin. Kahit sino na lang po siguro,” pagtatapos ni Jon.