• Home
  • Fresh Scoops
  • Liza Soberano would love to be given the chance to play Darna.

Enrique Gil gives his full support to Liza Soberano to be the next Darna

Liza Soberano would love to be given the chance to play Darna.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

04/08/2017 10:11 AM
Enrique Gil gives his full support to Liza Soberano to be the next Darna

040817-LizQuen_PUSH.jpgTumulak noong April 7 pa-America ang ilan sa mga bituin ng Star Magic bilang bahagi ng Star Magic 25th anniversary US tour.

Kabilang sa mga aabangan ng mga kababayang Pinoy natin sa US at Canada ang tambalan nila Liza Soberano at Enerique Gil na sabay dumating sa NAIA.

 


 

Kuwento ng LizQuen, kapwa sila excited sa kanilang pakikipag bonding sa mga Pinoy overseas.

"It's good to be back, I heard lahat ng mga fans ay ready na daw para sa pagdating namin doon," bungad ni Quen.

Excited at espesyal naman ang trip na ito para kay Liza dahil makaka bonding niya ang pinoy fans na minsan lang sila makita ng personal 

"Ako super excited kasi it's a treat to spend time with our fans abroad at minsan lang nila kami nakikita, so were super excited to see their reactions. And this time, mas marami kami na pupunta kami doon."

Bukod dito, sinagot din ni Liza ang paulit-ulit na mga katanungan ng sambayanan kung siya ba talaga ang susunod na Darna.

"Di ko po alam, Wala pa naman po talagang official statement or release saying na I'm going to be play the iconic role, pero if ever, I would love the role," sabi pa ni Liza.

Nanatili pa din bukas ang dalaga kung sakaling siya nga ang gaganap dito.

"Sana po," nakangiting niyang sagot.

Suportado naman ni Enrique ang dalaga kung sakaling kay Liza nga maipasa ni Angel Locsin ang bato ni Darna.

 

 

"Siyempre I will always going to support her no matter what. So kung siya talaga, siya talaga," pahayag ni Enrique.