• Home
  • Fresh Scoops
  • Sylvia Sanchez hints at son Arjo Atayde’s new love interest

Sylvia Sanchez hints at son Arjo Atayde’s new love interest

Sylvia Sanchez also talks about supporting daughter Ria Atayde’s beauty queen dreams.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

4/7/2017 8:28 AM
Sylvia Sanchez hints at son Arjo Atayde’s new love interest


040717-SylviaSanchez_PUSH.jpgAminadong hands-off ang aktres na si Sylvia Sanchez pag dating sa buhay pag-ibig ng kanyang mga anak na sila Arjo Atayde at Ria Atayde nang nakapanayam natin ito sa Finale Press Con ng hit afternoon teleserye na The Greatest Love.

Kamakailan, mainit na sinubaybayan ang naging tandem nila Erich Gonzales at Arjo Atayde sa isang episode ng Ipaglaban Mo kung saan nag-umpisa ang tuksuhan ng dalawa na kapwa single.

"Wala yun. Ayaw ko makialam diyan. Guest lang sila non sa Ipaglaban Mo, Wala," ani ni Sylvia.

Pagbabahagi ng aktres, bilang respeto niya sa desisyon ng kanyang mga anak, ayaw niyang panghimasukan ang mga ito lalo na pagdating buhay pag-ibig.

"Pakialam ko sa love life ng anak ko. Sila yun. Palagi ko lang sinasabi sa kanila dapat harapan nila ako ng respectful na magiging partner nila," pahayag ni Sylvia.

Kuwento pa ng aktres, natural daw sa kanyang anak na si Arjo ang maging malihim lalo na pagdating sa personal na buhay nito.

"Si Arjo secretive siya pagdating sa personal na buhay e. Ayaw niya i-drag yung personal life. Lagi niyang sinasabi na, 'Akin yun e.'"

Pero aminado si Sylvia na may ipinakilala sa kanya si Arjo na miyembro ng girl group na GirlTrends. Kuwento ng aktres mabait daw ito at magalang.

"Si GirlTrends? Gusto ko siya, mabait siya, respectful siyang bata. Hindi nga sinasabi ng anak ko ‘di ba? Tapos ako magkukuwento, kay Arjo yun siya ang magpapakilala sa inyo hindi ako," pabirong kuwento ng aktres.

Bukod kay Arjo, happy din si Sylvia para sa achievement ng kanyang anak na si Ria na kapansin-pansin ngayon ang mas fit na pangangatawan.

Dahil dito, suportado din niya si Ria kung sakaling tuluyan nga ito na mag desisyon na sumali sa Binibining Pilipinas na kanyang pangarap noon.

"Siyempre depende sa kanya ngayon kung madami siya trabaho, depende yun kasi mag focus siya sa traning non. Sa totoo lang. mas busy sa akin ang mga anak ko. Pero kung sasali nga ng beauty pageant si Ria, ang unang matutuwa dyan ang daddy niya. Pangarap talaga yan ng tatay niya para sa kanya," pagtatapos na kuwento ng aktres.