Robin Padilla reveals details of ‘Bad Boy 3’ movie

Robin Padilla says he is very picky with his roles nowadays.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

4/7/2017 8:32 AM
Robin Padilla reveals details of ‘Bad Boy 3’ movie


040717-RobinPadilla1_PUSH.jpgMainit na inaabangan ngayon ng mga tagahanga ni Robin Padilla ang muling pagbabalik ng action movie series na Bad Boy na huling pinalabas noong 1992.

Nauna ng inanunsyo ni Robin ang tila patikim nito sa kanyang Instagram video post.

Kuwento ni Robin sa charity event ng MoneyGram foundation, alay niya ang Bad Boy 3 para sa kanyang mga die-hard fans na nag request na gawin niya itong muli.

"Ang ating mga tagahanga walang magawa sa Facebook ko, sa Instagram ko. ‘Gawa ka ng ganito, gawa ka ng ganyan.’ Kaya namin ginawa ang Bad Boy 3 kasi ang opisina nagtingin na kung ano ang gusto ng mga tagahanga ang lumabas na pinakamarami ang Bad Boy 3. Ginawa ko ang Bad Boy 3 para sa mga fans dahil ayun ang gusto nila," sabi pa ni Robin.

Aminado si Robin na mas nagiging mapili na siya ngayon sa proyektong kanyang gagawin at mas nais na lamang niya gugulin ang oras sa mga bagay nakakapagpasaya sa kanya.

"Alam mo ako naman kasi I'm semi-retired na. Lahat ng inaalok sa akin tinatanggihan ko na tanong sila ng tanong kung bakit ayaw ko. Ang lagi ko sinasagot 'ito ako kung ayaw niyo ng ganito ako huwag natin gawin.' Pero kung ako ang tatanungin mo ngayon, eto ang gusto yung mga pumupunta ako sa malalayong lugar."

Paliwanag pa ni Robin, hangad niya na yakapin pa din siya ng mga tao sa kung ano at sino siya ngayon dahil ito ang nakakapagpasaya sa kanya.

"May mga bagay na hindi natin pwede tanggalin, hindi natin pwede gupitin kasi ito ako e. Matanda na ako. Kung lolokohin ko pa ang sarili ko na pa pretty boy ako, hindi na po mangayayari this me," pagtatapos na kuwento ni Robin.