• Home
  • Fresh Scoops
  • Janella Salvador on mom Jenine Desiderio: ‘Mas nasasabi ko na sa kanya lahat’

Janella Salvador on mom Jenine Desiderio: ‘Mas nasasabi ko na sa kanya lahat’

Janella Salvador says she and her mom have a better relationship now.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

4/7/2017 8:30 AM
Janella Salvador on mom Jenine Desiderio: ‘Mas nasasabi ko na sa kanya lahat’


040717-JanellaSalvador_PUSH.jpgAminado si Janella Salvador na hindi naging ganun ka-perfect ang relasyon nila ng inang si Jenine Desiderio who is also a singer-actress. Pero naiintindihan naman daw niya kung para saan ang ginagawang paghihigpit ng mom niya.

“Actually, yung mom ko lang kasi, overprotective talaga siya sa akin lalo na before. I think lahat ng mother and daughter, may stage talaga na pag nag-adolescence stage or something, may mga away-away talaga na magaganap kasi may misunderstandings at may differences na.

“Pero right now, I think napag-usapan na namin yon. Parang nalampasan na namin ang stage na yon. Mas nagiging close na kami, mas nasasabi ko na sa kanya lahat,” pag-amin ni Janella nang makausap siya ng Push.com.ph kamakailan lang.

Pagdating din daw sa kanyang personal na desisyon ay nagkakasundo na rin sila ng mom niya.

“Sabi naman niya, kung sinong love ko, love din niya. Ito yung eksaktong sabi niya sa akin, ‘Whoever you love, I love din, basta ayokong saktan ka nila.’ Yon yung sabi niya.”

So, ibig sabihin ba ay nadagdagan na ang tiwala sa kanya ng ina?

“We’re building it,” nakangiti niyang sagot.

Eh, ano namang ginagawa niya to reach out for her mom para mas maging okay pa lalo ang kanilang relasyon?

“Actually, nag-usap kami. Kung anuman yung rules niya na ie-imply, siyempre kailangan ko pa ring mag-follow coz she’s my mom. Tapos siya naman, ita-try niya na mas i-trust talaga ako na kaya ko na. Ako naman, siyempre I have to prove it na katiwa-tiwala ako.

“So yon, I’m proving it now na katiwa-tiwala talaga ako,” pahayag ng dalaga.

Ayon pa sa bida ng Bloody Crayons (Star Cinema) at My Fairytail Love Story (Regal Entertainment), hindi naman sila nagkaroon ng biggest fight ng mommy niya ever.

“Before, marami rin naman kaming napag-aawayan which is normal, most parents naman, eh, ganun. Pero wala namang sobrang lala na super away-away talaga. Siguro nagkaroon lang talaga kami ng stage na hindi niya maintindihan yung point of view ko, tapos siya naman, ayoko ding pakinggan yung point of view niya noon.

“Kasi it’s really hard with the generation gap, eh. Hindi nila maintindihan, tapos hindi rin namin sila maintindihan. Pero nagko-compromise na kami ngayon sa isa’t isa,” pagmamalaki pa ni Janella.

Inusisa na rin namin kay Janella kung para kanino ba ang post ng mom niya noon sa Twitter na parang binabantaan ang isang guy na malapit sa kanya.

Sey ni Janella, “There was a misunderstanding lang noon. Pero kung sino man yung sinasabi niya dati, napag-usapan na namin. Tapos okey na, naayos na,” pagtatapos ng magandang singer-actress.