• Home
  • Fresh Scoops
  • Sofia Andres on doing sexy roles: ‘Mga five years pa po siguro’

Sofia Andres on doing sexy roles: ‘Mga five years pa po siguro’

Sofia Andres will consider doing sexy roles in the future.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

4/6/2017 7:32 AM
Sofia Andres on doing sexy roles: ‘Mga five years pa po siguro’


040617-Sofiaa1_PUSH.jpgIsa si Sofia Andres sa very promising artists ng Star Magic. Napakaganda ng mukha nito at naipakita rin ng dalaga na marunong siyang umarte sa pelikulang Pwera Usog ng Regal Films na isa siya sa mga bida.

Pero inamin ng dalaga na naghihintay pa rin siya ngayon ng masasabi niyang big break talaga sa pelikula na maglu-launch talaga ng career niya bilang aktres.

“Masaya po ako kapag binibigyan ako ng project. Nagpapasalamat na rin ako sa mga kumukuha sa akin bilang artista nila sa isang movie o sa teleserye.

“Though, hinihintay ko pa rin po yung time (na magbibida siya). Yon naman po talaga, eh. Patience lang po talaga at saka hard work sa bawat ginagawa sa teleserye, sa movie o kahit ano man.

“Ginagawa ko lang po talaga kung ano yung hinihingi ng director ko na talagang nagtitiwala po sa akin,” pagtatapat ni Sofia.

Handa ba siyang maging daring o tumanggap ng mature roles sa launching movie niya kung saka-sakali?

“Yung lumabas po sa IG ko na medyo sexy para lang po talaga yon sa magazine. So hanggang do’n lang po muna. Hindi pa po ako ready sa on screen. Hindi pa po ready,” paliwanag pa niya.

Eh, what if alukin siya ng Regal Entertainment ng isang remake movie na kailangan niyang magpaseksi? Tatanggapin ba niya ito?

“Ah, siguro konti lang. Konti lang po. Hindi po yung masyadong revealing,” sagot niya.

“Kahit shorts, okey lang po. Huwag namang kita na yung cleavage kasi nakakailang pa po. Siguro mga ilang years pa. Mga five years pa po siguro,” sabi ulit ni Sofia.

“Bagay po ba akong magpaseksi na? Mas sisikat po ba ako do’n?” natatawang balik-tanong ng dalaga sa press na hindi namin alam kung seryoso ba siya o nagbibiro lang.

May mga nakapansin na mukhang maganda namang influence kay Sofia ang sinasabing rumored boyfriend niyang si Diego Loyzaga. Totoo ba ito?

“Opo naman!” sagot agad niya.

“Kada magkasama po kami at magkatrabaho, since mas matanda naman siya sa akin, sinasabihan niya ako sa mga bagay-bagay at nakakatulong naman siya,” pag-amin ng dalaga.