• Home
  • Fresh Scoops
  • Robin Padilla is open to a possible reunion movie with Sharon Cuneta

Robin Padilla is open to a possible reunion movie with Sharon Cuneta

Robin Padilla says an action team up with Jodi Sta. Maria is also in the works.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

4/5/2017 10:04 AM
Robin Padilla is open to a possible reunion movie with Sharon Cuneta


040517-RobinPadilla_PUSH.jpgNanatiling bukas sa mga posibilidad ang original Bad Boy ng Philippine cinema na si Robin Padilla sa usaping balik tamabalan umano nila ni Megastar Sharon Cuneta para sa isang proyekto. Kasunod ito ng mga usapin na hindi pa maumpishan na reunion movie sana nila Sharon at Gabby Concepcion dahil sa conflict ng schedules.

READ: Sharon Cuneta gives updates on movie project with Gabby Concepcion

Kuwento ni Binoe, malaki ang utang na loob niya kay Mega kaya kung gustuhin man talaga ng management na magbalik tambalan sila ay gagawin niya ito.

"Walang kondisyon. Malaki ang utang na loob ko kay Ma'am [Sharon Cuneta]. Hindi naman ako magiging si ito [Robin Padilla] kung hindi ako binigyan ng break ni Sharon. Kumbaga noong panahon noon, sino ba yan? Kumbaga sa boxing, wild card ako e, pero siyempre kailangan pa din pag-usapan. Handa ako magbigay serbisyo kay Ma'am," Pahayag ni Robin sa charity event ng Money Gram foundation.

Aminado si Robin na may nagaganap ng pag-uusap sa pagitan nila ng Star Cinema sa pamumuno ni Malou Santos. Kabilang na dito ang napipintong proyekto nila ni Jodi Sta. Maria kung saan bahagi din sa cast si Richard Yap.

"May pag-uusap kami ni Ma'am Malou Santos. Nakadalawang beses na ako nagpunta sa opisina niya, e maganda naman ang mga negosasyon, maganda naman ang mga storya na ibinibigay sa akin," saad pa ni Binoe.

Aniya nagdadalawang isip siya ngayon na tanggapin ang mga ito dahil sa pangambang ipagupit ang kanyang balbas at nigote na bahagi naman ng kanyang preparasyon sa isa pa niyang proyekto na Marcelo Del H. Pilar.

"Ang pinag-uusapan lang siyempre kung gusto ko ba gawin,” sabi pa ni Robin.

"Wala akong problema kay Jodi. Ang problema kung ipapa-ahit nila si Marcelo Del Pilar. Hindi pa pwede," paliwanag pa nito.

"Napakaganda nga sana unang-una si Jodi Sta. Maria yan. Sino ba naman ang may ayaw makatrabaho ang magaling na artista at napakatalino? Kaya siguradong kapag naging magkatrabaho kami, walang dull moment sa taping namin. Pero siyempre may ginagawa naman akong pelikula kaya madami pang dapat pag usapan," pagtatapos ni Robin.