• Home
  • Fresh Scoops
  • Piolo Pascual set to do a Lav Diaz movie with Shaina Magdayao

Piolo Pascual set to do a Lav Diaz movie with Shaina Magdayao

Piolo Pascual also reacts to criticisms about his relationship with Shaina Magdayao.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

4/6/2017 7:35 AM
Piolo Pascual set to do a Lav Diaz movie with Shaina Magdayao


040617-PioloShaina_PUSH.jpgAbala ngayon ang ilan sa mga Star Magic artists para sa kanilang paghahanda sa nalalapit na pagbisita sa ilang parte ng Amerika bilang bahagi ng selebrasyon ng 25th Anniversary ng Star Magic.

Kabilang sa mga inaasahang makikisaya sa US tour ng Star Magic ay ang actor na si Piolo Pascual na fresh na fresh mula sa kanyang pelikula na Northern Lights: A Journey to Love.

Sa panayam na ito, naibahagi ni Piolo ang kaniyang pananabik para sa nakatakdang pelikula na pagsasamahan nila ng rumored girlfriend na si Shaina Magdayao na likha ng critically acclaimed director na si Lav Diaz.

“Mas madaling magtrabaho pag pareho kayong devoted, pareho kayong passionate sa craft ninyo,” pahayag ni Piolo.

Aniya, isang malaking karangalan para sa kanya na muling makasama si Lav Diaz na una na niyang na kasama sa award winning movie na Hele sa Hiwagang Hapis na mas lalong naging espesyal ngayon, dahil makaka sama niya sa proyekto si Shaina.

"It’s an exciting film, to be working with Lav Diaz it’s always a milestone. He's one of a kind, it's a privilege to be given a chance to work with a great director. I will not pass up that chance, kasi bihira kang mabigyan ng ganung pagkakataon," sabi pa ni Piolo.

Nagkaroon din tayo ng pagkakataon na kamustahin ang relasyon nila ni Shaina, kuwento niya maayos at madalas silang nag uusap nito.

"Our relationship is okay, we have an open line, and we are good,” ani pa ni Piolo.

Naging malaman naman pakiusap ng aktor na sana ay tantanan na ang ‘di magagandang issue sa kanila ni Shaina.

"Tantanan na natin yang issue na yan, kasi di na maganda ang sinasabi ng mga tao," sabi pa ng actor.

"Minsan parang gusto mo na lang manugod, gusto mo na lang mag kumpronta ng tao, Nananahimik kami, kayo yung mga tanong nang tanong, tapos pag sinasagot, magre-react kayo."

Aniya tapos na ang promo ng kanyang pelikula at sana ay magkaroon din ng katapusan ang pang iintriga sa kanila ni Shaina

“Damned if you do, damned if you don’t. Tapos na yung promo ng pelikula, ang daming beses na naming sinagot yan e. Tama na, hanggang dun na lang yun,” pagtatapos na pahayag ni Piolo.