Meet Binibining Pilipinas candidate no. 26 Ruffa Nava

Binibining Pilipinas candidate no. 26 Ruffa Nava once competed in Miss World PH.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

4/5/2017 9:50 AM
Meet Binibining Pilipinas candidate no. 26 Ruffa Nava


040517-BB26_PUSH.jpgMula sa Kagandang Flores Camp ang Binibining Pilipinas candidate #26 na si Ruffa Nava. 24-years old na si Ruffa, may taas na 5'8” at isang Ilongga.

Hindi na bago sa pageant world si Ruffa dahil sumali na siya sa 2014 Miss World PH kung saan nanalo ng taong iyon si Valerie Weigmann. Modelling ang naging training ni Ruffa sa kanyang pagrampa at gaya ng 2016 Beauty Queens na sina Kylie Verzosa, Jennifer Hammond, at Maxine Medina, member din siya ng PMAP, isang samahan ng top models na nabuo noong dekada otsenta.

Breadwinner si Ruffa at regular work niya ay pagiging isang telemarketer sa isang company sa East Avenue, Quezon City.

Hindi makakalimutan ng Ilongga beauty queen ang araw na may nakakita sa kanya, na-discover siya at nagsimula ang kanyang modelling career. Ngayon ay magiging beauty queen na siya.

"For me, one of my life changing experiences was when I was discovered in the province of Batangas and started my modelling career to support the family."

Magaganap ang 2017 Binibining Pilipinas coronation night sa April 30 at mapapanood sa ABS-CBN.