• Home
  • Fresh Scoops
  • Jericho Rosales replicates late dad’s photograph: ‘Parang tinetrace ko yung dinaan nung erpat ko’

Jericho Rosales replicates late dad’s photograph: ‘Parang tinetrace ko yung dinaan nung erpat ko’

Jericho Rosales goes on a meaningful road trip to San Juanico Bridge

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

4/6/2017 6:00 AM
Jericho Rosales replicates late dad’s photograph: ‘Parang tinetrace ko yung dinaan nung erpat ko’


040617-Echo_PUSH.jpgSa Bandila, ibinalita na busy na si Jericho Rosales sa mga movie projects kahit na nagluluksa pa siya sa pagpanaw ng kanyang ama. “We’re still casting. Paul Soriano will be directing. It’s about surfing and motorcycle and music, so Paul said please jump in.”

Bukod sa trabaho, nakakatulong rin kay Echo ang pagbiyahe. Kamakailan lang pumunta siya sa Tacloban dahil sa isang litrato ng kanyang ama. Kuwento niya, “Dahil nakita ko yung picture niya, sabi ko gusto ko yung litrato na to dahil nasa bridge ang motorcycle. Hindi ko alam kung saan (yung lugar).”

Kaya daw, “I posted it on Instagram, everybody said San Juanico Bridge. I didn't know how to get there, how long it would take. I didn't know anything I just said I’ll do it. I want to replicate that photograph.”

Gamit ang motorsiklo at kasama ang ilang kaibigan niya, bumyahe si Echo ng tatlong araw papuntang San Juanico Bridge. Isa daw itong meaningful journey para kay Echo. “That was very meaningful for me, kasi parang tinetrace ko yung dinaan nung erpat ko. For me that was mission accomplished, kasi gusto namin ni Papa dati na mag motorcycle.”

Dagdag pa ni Echo kung paano niya nilalabanan ang lungkot ng pagkawala ng ama. “There’s no perfect formula for getting over something. You just do it. You just become a better person.”