• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Devon Seron says she wants to be courted the old-fashioned way

EXCLUSIVE: Devon Seron says she wants to be courted the old-fashioned way

Devon Seron believes that there are still millennials who can court girls the old-fashioned way.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

4/5/2017 9:54 AM
EXCLUSIVE: Devon Seron says she wants to be courted the old-fashioned way


040517-DevonSeron_PUSH.jpgHanggang ngayon ay wala pa ring boyfriend si Devon Seron. Nananatili pa rin siyang no boyfriend since birth (NBSB) at wala pa raw siyang nakikitang lalaki na mamahalin.

“Sobrang tagal na po talaga. Tuwing iinterbyuhin n’yo ako, lagi nyong tinatanong kung may boyfriend na ako, pero same pa rin po sa answers ko sa inyo before.

“May mga nanliligaw naman po pero hindi po, eh, nauudlot lagi, eh.”

Hindi raw naman siya choosy sa boys.

“Yung sa akin naman po, gusto ko lang makita yung… hindi naman po ako nagmamadali. Gusto ko yung makita yung consistency ng lalaki, kung makakaya niya ba na ligawan ako.

“Kasi ngayon, millennials na tayo, so mahirap maghanap ng lalaking pursigido, na magtatagal yung ligawan, yung ganu’n.”

Inamin din ni Devon na ang peg pa rin niya hanggang ngayon ay yung tinatawag na dalagang Pilipina.

“Parang ganu’n nga po kasi probinsyana ako, eh. Mas gusto ko rin po na nililigawan din yung family ko kasi malaki po ang respeto ko sa family ko.

“Kung magkakaroon po ako ng boyfriend lalo na yung pinakaunang boyfriend ko, gusto ko po na sana marespeto din po sa family ko,” sabi pa niya.

Nananatili din daw siyang old fashion hanggang ngayon.

“Ako po kasi, old fashioned ako, eh. Naghihintay ako sa lalaking hindi namimilit. Yung kikilalanin muna ang parents ko at magiging close muna sa kanila.

“Gustung-gusto ko rin po ng love letters, yung susulatan ako. Ayoko sa text kasi tamada po akong mag-text. Puwede rin nilang i-email. Old fashion talaga ako,” kinikilig niyang pahayag.

Wala ba siyang tiwala sa millennial boys?

“Meron naman po akong tiwala na meron pang matitinong lalaki. Mahirap lang sigurong maka-match,” natatawa niyang pagtatapos.