• Home
  • Fresh Scoops
  • Meet Binibining Pilipinas candidate no. 15 Maria Angelica Mariel de Leon

Meet Binibining Pilipinas candidate no. 15 Maria Angelica Mariel de Leon

Maria Angelica Mariel de Leon doesn’t think having celebrity parents are an advantage.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

4/4/2017 9:56 AM
Meet Binibining Pilipinas candidate no. 15 Maria Angelica Mariel de Leon


040417-MarieldeLeon1_PUSH.jpgIsa sa hinuhulaan na makakakuha ng korona sa 2017 Binibining Pilipinas beauty search ay ang candidate #15 na si Maria Angelica Mariel De Leon. Kilala agad ng showbiz si Mariel dahil anak siya ng drama king na si Christopher de Leon at ng aktres na si Sandy Andolong.

Sa pangalawang pagsali ni Mariel sa prestigious pageant, ibinahagi niya ang kanyang paghahanda.

"Aside from the usual training, I also prepare my mind. I always tell myself to take it easy this time, just go with the flow and not to care what strangers may say about me."

Hindi nakikitang advantage ni Mariel na mayroon siyang celebrity parents.

"I don’t think it’s an advantage kasi noong 2015 top 15 lang [ako]. I don’t think na advantage yun for me. What I consider na advantage is yung experience ko na sumali na ako before. Alam ko na what are the things na hindi ko dapat gawin and ngayon siguro I should listen more."

Kasama sa training ni Mariel ngayon ang di na muna magbasa ng comments sa social media.

"Hindi na. Noong first time na sumali ako I always read the comments and they affected me. This time, no more. If I go on social media, I just post what I want to post tapos yun na."

Hindi naman makakalimutan ni Mariel ang bilin sa kanya ng kanyang parents sa laban na gagawin.

"This time they just told me to be myself and have fun, not to pressure myself too much anymore."

Kung siya ang pipili, target ni Mariel ang Miss Universe PH crown dahil sa tingin niya ito ang pageant na nababagay sa kanya para i-represent ang bansa.