• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Sexy star Kara Mitzki answers on how she handles indecent proposals

EXCLUSIVE: Sexy star Kara Mitzki answers on how she handles indecent proposals

Bago kinontrata ng Viva Artist Agency (VAA) at i-co-manage ni Annabelle Rama si Kara Mitzi ay nagpe-perform na siya sa mga bar bilang singer kasama ng kanyang banda at do’n niya kadalasang nai-encount

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

4/4/2017 9:53 AM
EXCLUSIVE: Sexy star Kara Mitzki answers on how she handles indecent proposals


040417-KaraMitzki_PUSH.jpgBago kinontrata ng Viva Artist Agency (VAA) at i-co-manage ni Annabelle Rama si Kara Mitzi ay nagpe-perform na siya sa mga bar bilang singer kasama ng kanyang banda at do’n niya kadalasang nai-encounter na mababa ang tingin sa kanya ng audience dahil nagpapaseksi siya.

“Yon nga, eh, gusto kong sabihin sa mga kababaihan na puwede naman kayong maging sexy na nakakapag-set pa rin kayo ng good example. Ayoko kasi yung ano, eh, yung parang walang class. Dapat class pa din.

“Tapos siyempre, kahit sexy ka, may talent ka, may brain ka, hindi naman… Lagi na lang kasing sinasabi na pag sexy star ka bobita ka, ganyan,” kuwento ni Kara sa Push.com.

Na-experience na rin daw niya ang mabastos dahil sa ginagawa niya kapag nagpe-perform sa stage.

“Opo. Na-experience ko na yung ganu’n. At yon nga, nahihirapan kami at ang family ko tsaka mga friends ko kasi sinasabi na, ‘Ay, di ba ganito yan, nagpo-pose na sa calendar girl, ganyan-ganyan,’ so parang ang tingin nila sa akin is… dyina-judge na agad nila. Pero pinagtatanggol naman ako ng family ko at friends ko.

“Ako, kilala ko naman ang sarili ko, eh. So, yon nga, sana makita nila yung worth ko, na hindi porket nagpapaseksi, eh, ganun (pokpok) na,” paliwanag ni Kara.

Inamin din ni Kara na ilang beses na siyang nakatanggap ng mga indecent proposals. Paano ba niya ito hina-handle?

“Marami na po akong na-encounter na ganyan kasi nga nagbabanda ako, eh. Na-handle ko naman po siya nang maayos.

“Siyempre, ano lang ako, friends lang. Ngayon, si Tita Annabelle naman ang nagha-handle sa mga ganu’n,” natatawa niyang pahayag.

Patuloy pa niya, “Mas less talaga sa akin as an artist na nadyan na si Tita A. Siya yung gumagalaw for me sa mga ganung bagay.”

Anu-ano na ba ang na-offer sa kanya ng mga DOM?

“Lahat na lang po in-offer na nila sa akin – bahay, kotse, condo, townhouse, mga mamahaling relo, bags, ganyan. Wala naman akong isyu sa age, basta sa akin kung gusto ko yung tao okey lang naman. Pero huwag naman yung mas matanda pa sa parents ko (55 years old). Hahaha!

“At saka dapat gwapo kahit may edad na siya. Parang ala-Ian Veneracion na kahit 40s na gwapo pa rin. Actually, mas appealing sa akin yung matured men,” pagtatapat pa niya.

Samantala, on April 8 (Saturday, 9 p.m.) ay may back-to-back concert si Kara with Michael Pangilinan sa Music Museum titled 56K With Kara and Khel na produced ng Frontdesk Entertainment.

Guests sa show sina Hashtags Nikko, Sam Mangubat, Kiel Alo, Ezekiel, Duncan Ramos at Vice Ganda.