• Home
  • Fresh Scoops
  • Edward, Kisses, Yong, Maymay excited about their first magazine covers

Edward, Kisses, Yong, Maymay excited about their first magazine covers

Edward, Kisses, Yong, Maymay still feel overwhelmed with life after PBB.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

4/4/2017 10:01 AM
Edward, Kisses, Yong, Maymay excited about their first magazine covers


040417-PBB_PUSH.jpgPresent ang naglalakihang kapamilya stars sa katatapos lang na ABS-CBN Ikaw ang Sunshine ko tradeshow sa SMX convention center.

Dito ipinasilip ang iilan sa mga aabangang kapamilya shows na nakatakdang ipalabas ngayong taon. Ipinakilala din ang mga bagong mukha na aabangan ng mga manunuod sa ABS-CBN.

Kabilang sa mga dumalo ang Pinoy Big Brother Lucky season seven big four na sina Yong Muhajil, Edward Barber, Kisses Delavin, at Maymay Entrata na aminadong overwhelmed sa kanilang unang beses na pagdalo sa tradeshow.

"Medyo kinakabahan at excited. Masaya po, enjoy," pahayag ni Yong.

Mixed emotions naman ang nararamdaman ni Edward sa unang beses niyang pagdalo sa tradeshow.

"It's an honor po, at the moment all of us are feeling halo- halo being nervous and being excited."

Feeling blessed at hindi naman makapaniwala si Maymay sa mga artista na kanilang nakakasalamuha ngayon.

"Opo sobra po. Parang everywhere nalang po may artista, parang hindi na ako makahinga tapos may sayaw pa kami na ipo-focus. Masaya po sobra-sobra. Napaka-blessed po," masayang kuwento ni Maymay.

Honored at blessed din ang feeling ni Kisses dahil sa privilege nila na makadalo sa mga showbiz gatherings tulad nito.

"Sobrang honored po talaga kasi sobrang respectable po ang mga tao dito and we are masuwerte na napunta po kami dito. Kaya w cc e will do our best and hopefully we can do the best po talaga namin."

Samanatala, super-excited din ang apat sa kani-kanilang mga first magazine shoot kung saan sila ang mga nakatakdang maging covers.

Ani ni Yong, hindi niya akalain na siya na ngayon ang pipicturan na dati ay pinapanuod lang niya.

"Hindi ko po akalain na makukuha po ako sa pictorial kasi dati po talaga pinapanuod ko lang ang mga pictorial e ngayon po kasali na po ako kaya masaya po."

Unti-unti naman sinasanay ni Edward ang kanyang sarili sa palagiang pag lalagay ng makeup para sa mga look na kanyang gagawin.

"It actually feels weird, before PBB the only time I put make up in my whole life is when my sister put on it to me and dress me up as a girl. So now I'm putting makeup on a daily basis now for a magazine cover which I never imagined and I never expected it," pabirong kuwento ni Edward.

Panaginip naman kung maituring ni Maymay ang experience ng pictorial.

"Hala ma'am. Sa totoo lang po lutang na lutang pa ako parang 'Totoo ba 'to?' Parang araw-araw po ako nanaginip. Gusto ko po yung feeling na ‘to kasi nagbago po talaga ang lahat sa buhay ko."

Bonus naman kung maituring ni Kisses ang maging bida sa mga magazine covers. Aniya, sobra-sobrang saya ang dulot nito para sa kanilang lahat.

"Sobrang blessings na po yung dumating sa amin and maging celebrity, pero yung mabigyan po kami ng chance to experience mag-cover po sa magazine bonus na po yun sa amin."

Sa ngayon looking forward na sina Yong, Edward, Maymay, at Kisses sa mga possibleng proyekto na kanilang pagbibidahan sa kapamilya network.