• Home
  • Fresh Scoops
  • Bela Padilla, Kiana Valenciano excited to watch Coldplay live

Bela Padilla, Kiana Valenciano excited to watch Coldplay live

Even celebs are psyched to see the British rock band.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

4/4/2017 10:11 AM
Bela Padilla, Kiana Valenciano excited to watch Coldplay live


040417-Coldplay_PUSH.jpgMainit na inabangan ng Pinoy fans ang British rock band na Coldplay para sa unang beses na pagtatanghal nito dito sa Pilipinas ngayong araw (April 4 2017).

Pero bago pa man dumating dito sa bansa ang Rock band, Ilan na sa mga Pinoy fans nito ang hindi na napigilan ang mapanuod ng up close at personal ang Coldplay sa two night concert nito sa Singapore.

Kabilang ang ilan sa mga pinoy personality ang isiningit ang panunuod nito gaya ng aktres na si Angelica Panganiban kung saan kasama niya na nanuod ang mga kaibigan na sila Ketchup Eusebio, Glaiza De Castro at Karlo Aquino

Isa din sa mga aminadong fan ng Coldplay ang “My Dear Heart” star na si Bela Padilla na mas piniling dito sa bansa manuod ng concert ngayon April 4.

"Sobrang fan po ako ng Coldplay, ang pinakikinggan ko sa eksena para umiyak ay Coldplay."

Pagbibiro pa ni Bela naghahanap siya ngayon ng makakasama sa panunuod ng concert ng dahil dalawa ang ticket niya na nabili nila noon ng dating kasintahan na si Neil Arce.

"Honestly meron na po akong ticket, actually ticket namin yun ni Neil before pa matagal na matagal ko na nabili kasi nga fan ako ng Coldplay, pero siya manunuod na siya with his friends pero ako manunod padin ako mag isa," masayang pahayag ni Bela.

Samantala bukod kay Angelica at Bela naka plano na din manuod ng Coldplay concert ng singer na si Kiana Valenciano sa South Korea kasama ang ilan sa kanyang mga pinsan.

"I'm really excited to go to Korea for Coldplay, kasi medyo mahal dito and to pay as just much a big bunch so why not to go to a country which I've never been too, Sabay bakasyon na din with bunch of my friends and my cousins also will also watch na din." Pahayag ni Kiana