• Home
  • Fresh Scoops
  • Xian Lim reveals actresses he wants to work with in his future dream projects

Xian Lim reveals actresses he wants to work with in his future dream projects

Xian also shares the important lesson he learned from seasoned actress Vilma Santos.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

5/1/2017 1:32 AM
Xian Lim reveals actresses he wants to work with in his future dream projects


043017-xian_PUSH.jpgHinirang bilang Best Supporting Actor si Xian Lim para sa kanyang pag ganap sa pelikulang Everything About Her sa katatapos lang na 15th Gawad Tanglaw Awards.

Aminado ang aktor na hindi pa din siya makapaniwala na tumanggap siya ng pagkilala kahanay ng magagaling na artista gaya nina John Lloyd Cruz , Piolo Pascual at Ms. Charo Santos, na kapwa nakatanggap din ng parangal.

"Hindi pa siya masyado nagsi-sink in pero laking pasasalamat lang. All the hard work, nakakagaan lang talaga ng loob na nandito ako at nakasama ako. Natuwa nga ako kasi katabi ko si Ma’am Charo tapos nasa likod ko si John Lloyd. Sabi ko ang galing naman nitong experience na ito. It’s something to remember for a lifetime," kwento ng aktor.  

Dahil dito bukas din si Xian sa mga posibilidad sa kaling mabigyan ng pagkakataon na makatrabaho ang ibang artista at leading ladies.

"Marami eh. Simulan natin kina Ms. Anne Curtis, Ms. Sarah Geronimo, si Bea (Alonzo). Marami. It would be unfair to miss out sa mga gusto ko pa makatrabaho but it just feels so good to be here, to have this recognition," sabi pa ni Xian.  

Aminado ang aktor na maraming siyang natutunan sa pakikipag trabaho sa iba't ibang artista at isa na dito si Cong. Vilma Santos na hindi nagsawa na magbigay ng payo sa kanya ng maging magkatrabaho sila nito. 

"If there’s one thing I learned dito sa pelikula, sabi nga ni ate Vi, years and years in the business, hanggang ngayon hindi pa rin daw niya alam ang ginagawa niya, nakakapit pa rin daw siya sa director. It’s just sana marami pa akong makatrabaho, mabigyan ng mas marami pang proyekto. 'Yun lang naman, and also to be able to express myself creatively," pagtatapos ni Xian. 

Bibida this May si Xian sa pelikulang Dear Other Self ng Star Cinema, kung saan makakatambal din niya for the first time ang aktres na si Jodi Sta. Maria.

 Photo credit to xianlimm IG