• Home
  • Fresh Scoops
  • Nikko Natividad has no problems working with director Joel Lamangan

Nikko Natividad has no problems working with director Joel Lamangan

Nikko Natividad is okay working with notoriously strict director Joel Lamangan.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

4/30/2017 9:31 AM
Nikko Natividad has no problems working with director Joel Lamangan


043017-Nikko_PUSH.jpgAware si Hashtags Nikko Natividad na istrikto si Joel Lamangan na director niya sa pelikulang Bes, Ang Galing Mo (Uwian Na, May Nanalo Na) na pinagbibidahan ni Ai-Ai delas Alas. Alam daw niyang naninigaw ito ng artistang pasaway at nagkakamali sa syuting.

“Alam ko po na mahigpit siya, kasi sinabi na po sa akin ni Nanay (Jobert Sucaldito). Pero kunwari, after makunan yung isang eksena, pag nagliligpit na, kinakausap po niya ako.

“Tinatawag niya ako, ‘Tumabi ka rito.’ Tapos sabay po kaming kumakain. Minsan naman po, inaayos po niya yung damit ko,” kuwento ni Nikko.

So far, hindi pa naman daw siya nasisigawan ng director.

“Ay, hindi pa po,pero napagsabihan na po niya ako. Kinausap ko naman po siya. Kasi baka nahihiya siya kasi minssan nandun si Nanay sa set.

“Sinabihan ko naman po siya na ‘Okey lang po kahit pagalitan ninyo ako. Basta po pag may mali sa akting ko, sabihan ninyo lang po ako,’” sey pa niya.

Kung sakali man daw na mapagalitan siya ni Direk Joel ay handa naman daw siya.

“Kasi naranasan ko na rin po sa ibang mga naging trabaho ko dati, like nung nag-waiter ako, na namumura ako. So pag minura niya ako, normal na sa akin yun,” katwiran niya.

Idinagdag din ni Nikko na dahil sa Pinoy Big Brother kaya siya nai-cast ni Direk Joel sa pelikula.

“Pinahanap daw niya ako mismo. Nung nagpunta po kami ni Nanay Jobert sa office ni Direk Joel para kuhanin yung script, sabi po noong isang staff dun, ‘O ayan galingan mo ha, kasi pinahanap ka talaga ni Direk Joel.

“So inisip ko po na baka napansin ni Direk Joel yung role ko sa PBB na nag-bading ako. Hindi na po kasi ako pinag-audition. Binigay na lang po sa akin yung script.”

Sa pelikula ay gagampanan ni Nikko ang role ng isang closet gay na anak ni Ai-Ai.