Dahil sa closeness ni Kiana kila James at
Nadine, tila may ilang fans umano ng JaDine ang hindi nagustuhan ang pagiging
malapit ng dalaga sa couple.
Sa panayam na ito kay Kiana sa media
presentation ng Manila X Music & Fashion Fetsival, aminado ang dalaga na
ikinagulat niya ang ilang hate comments na ibinabato laban sa kanya.
"Actually for some reason na bash ako,
pero mahirap kasi nagaglit yung Iba na magka-kaibigan kami ng JaDine but to me
I don't know (why)," bungad ni Kiana.
Kuwento ni Kiana ikinalungkot niya ang
negatibong mga kumento laban sa kanya.
"At first na hurt ako parang wow, there are people like this in the world na ganun talaga ka negative ang mga sinasabi nila, but with Sam, Lauren, James and Nadine especially, they instill in me that 'these people don't know you as a person'."
Naapektuhan man sa pangyayari, para kay
Kiana sinasanay nalang niya ang sarili na ipagsawalang bahala ang mga ito.
"So why should I let these people
affect me for what are they saying, they talk about no one and I do t think
everyone's gonna get used to it, it's just a matter of being a strong enough to
look pass lang talaga," saad pa ng dalaga
Samantala, deadma nalang din ni Kiana
tungkol sa mga naging pahayag online laban sa kanyang ina na si Angeli
Pangilinan na naging puntirya din ng basher.