• Home
  • Fresh Scoops
  • Kiana Valenciano reacts to online bashing because of her friendship with JaDine

Kiana Valenciano reacts to online bashing because of her friendship with JaDine

The budding singer also defends her mom Angeli Valenciano from negative comments.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

5/1/2017 12:14 AM
Kiana Valenciano reacts to online bashing because of her friendship with JaDine


043017-keana_PUSH.jpgNaging hot topic kamakailan sa social media ang naging bakasyon ni Kiana Valenciano sa South Korea kasama ang ilang kaibigan kabilang sina James Reid at Nadine Lustre.

Dahil sa closeness ni Kiana kila James at Nadine, tila may ilang fans umano ng JaDine ang hindi nagustuhan ang pagiging malapit ng dalaga sa couple.

Sa panayam na ito kay Kiana sa media presentation ng Manila X Music & Fashion Fetsival, aminado ang dalaga na ikinagulat niya ang ilang hate comments na ibinabato laban sa kanya.

"Actually for some reason na bash ako, pero mahirap kasi nagaglit yung Iba na magka-kaibigan kami ng JaDine but to me I don't know (why)," bungad ni Kiana.




Kuwento ni Kiana ikinalungkot niya ang negatibong mga kumento laban sa kanya.

"At first na hurt ako parang wow, there are people like this in the world na ganun talaga ka negative ang mga sinasabi nila, but with Sam, Lauren, James and Nadine especially, they instill in me that 'these people don't know you as a person'."

Naapektuhan man sa pangyayari, para kay Kiana sinasanay nalang niya ang sarili na ipagsawalang bahala ang mga ito.

"So why should I let these people affect me for what are they saying, they talk about no one and I do t think everyone's gonna get used to it, it's just a matter of being a strong enough to look pass lang talaga," saad pa ng dalaga

Samantala, deadma nalang din ni Kiana tungkol sa mga naging pahayag online laban sa kanyang ina na si Angeli Pangilinan na naging puntirya din ng basher.

"I've read things they say about my mom but it's not true eh, so parang jokes on you, it's your loss, not on us," pagtatapos na pahayag ni Kiana.  

Photo credit to kianavee IG