• Home
  • Fresh Scoops
  • Judy Ann Santos-Agoncillo admits fear of becoming ‘laos’

Judy Ann Santos-Agoncillo admits fear of becoming ‘laos’

The “Bet on Your Baby” host also admits she wants to work with Piolo Pascual again.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

5/1/2017 1:29 AM
Judy Ann Santos-Agoncillo admits fear of becoming ‘laos’


043017-JudyAnn_PUSH.jpgAfter an almost two-year hiatus from showbiz since she had her baby Luna, Judy Ann Santos shared why she chose hosting the newest season of Bet on Your Baby as her official return to the limelight. 

“Gusto ko siya ung unahin kasi ang goal ko for this year is to face my fears kaya inuna ko ito.  Gusto ko i-face uyung fear ko with a happy mood, with the people who I know will always be there to look after me and tell me that I’m doing great. 

“I have kids with me na puwede ako pasayahin sa set and alam ko at the end of the day pag napanuod na ito ng mga tao marami ka ng napasaya at sa gitna ng mga problema nating lahat pati ng mga sambayanang Pilipino gusto mo lang naman makapagpasaya. Yun na lang yung puwede kong maibigay sa kanila. Gusto kong ibigay yun,” she shared. 

The 38-year-old actress admitted she misses acting even when she’s busy being a full-time mom to her three kids Yohan, Lucho, and Luna. 

“Hindi naman siguro mawawala na sa sistema ko yung pag-arte. Pero siguro dahil ang tagal kong nagpahinga, ang tagal kong nawala, andun yung kaba kung ano yung material na dapat kong piliin. Pero ang ABS-CBN hindi naman nagkulang sa akin ng pag-offer ng teleserye. 

“Of course I want to give something really worth waiting for kasi ang tagal kong nawala. Gusto ko nga yung medyo light na drama para masaya lang. Sa labanan ng teleserye ngayon na napapanuod ko, hindi na kaya ng powers ko yung actingan parang mapapatid na yung isang litid ko sa ganyang puyata. Gusto ko happy. Gusto mo to give inspiration and aspiration. Yun naman yung goal ko ngayon talaga. 

“Kung gagawa ako ng isang teleserye sana may advocacy, it should be inspirational and it should be aspirational. Hindi siya yung mabigat sa dibdib. Naghihintay lang ako,” she explained. 

During her extended vacation, the TV host reveals she did entertain fears of becoming “laos” or forgotten by the people. 
“Yung fear, it’s just me. Siguro mid-life, siguro andun yung nawalan ka ng slight na bilib sa sarili mo pero after that okay na. Parang ginive up ko na lang sa Lord kung ano yung plano niya ibig sabihin hanggang dun ako. 

“Hindi naman yata mawawala sa kahit na sinong artistang matagal ng nagtratrabaho na observing from the outside. Ang bilis ng turnover ng mga artista. Ang bilis. Magugulat ka biglang may iba na naman tapos hindi mo rin alam kung paano yung takbo ng isip ng mga viewers ngayon kasi with social media hindi mo alam yung mga millenials na ito. 

“Yun yung question eh, how do you get to their minds? Sinagot ko na lang din yung sarili kong tanong na well if they like me gagawin ko na lang yung dapat kong gawin. Wala akong planong makipaglabanan ng trono sa kahit na sino. I am just here to enjoy my work. I am so happy that I am back and I’m grateful and thankful na all of you guys are still here. So happy lang ako to see familiar faces really,” she divulged. 

Talks of a new teleserye are also in the works for the talented actress. 

“May napapag-usapan naman, may nakahain na isa. Tina-timing-an na lang namin kasi maganda naman yung nakalatag ngayon sa primetime eh. So there’s really no reason for me to cut one. So timing lang. Dapat siyempre ang request ko lang naman maayos na materyal. Medyo pihikan lang ako ngayon sa pagpili ng materyal kasi siyempre matagal kang nawala, gusto mo gumawa ng something new, hindi naman different pero something fresher sa mata. Yung hindi masyadong mabigat hangga’t maaari. 

“May naka-lineup pero pinag-uusapan pa namin kasi parang hindi pa namin alam kung paano siya itatawid. But so far we like to do it. It’s just a matter of time when and kung kelan siya ilalabas. Hindi ko pa ma-divulge kasi baka maudlot tapos sayang naman,” she said. 

Out of all her leading men, Juday says she would love to work with Piolo Pascual again. 

“Most probably movie. Yung teleserye hindi ko pa masabi. Pero hindi ko masabi din kung agad yan or later pa. It will happen naman if it’s the right time. Dun naman ako palagi. Huwag nating i-push masyado kasi pag pinush alam mo yung lutong Macau?  Sayang yung hinintay, sayang yung tandem, dapat yung maayos na proyekto, yung worth ng paghihintay because medyo matagal din kaming hindi nagkasama ni Piolo. Mga ten years na ata. Almost a decade na rin,” she shared. 

Juday also admits she is happy about the comeback of the Megastar Sharon Cuneta to the Kapamilya network.

“Ang bongga di ba? At payat na payat! Napaka-inspirational nung pagbaik ni Ate Sharon. I have faith in her. Sinasabi ko naman sa kanya lagi yan, ‘Kaya mo yan Ate. Ayaw mo pa lang.’ Nung gusto na niya tingnan niyo pumayat naman. Lahat naman tayo kailangan ng time. I ‘d love to do a movie with her sana. Palagi ko namang dasal na sana makagawa kami ng movie together hopefully maybe with Sarah (Geronimo) or a movie with Ate Sharon and Regine (Velasquez), yung ganun. Mga suntok sa buwan na pangarap ba. Wala namang masarao mangarap,” she added.