• Home
  • Fresh Scoops
  • Director Jerrold Tarog believes in the power of ‘word of mouth’ for his film ‘Bliss’

Director Jerrold Tarog believes in the power of ‘word of mouth’ for his film ‘Bliss’

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

5/1/2017 12:30 AM
Director Jerrold Tarog believes in the power of ‘word of mouth’ for his film ‘Bliss’


050117-JeroldTarog_PUSH.jpgControversial at nabigyan ng X rating sa unang review ng MTRCB ang pelikula ni Direk Jerrold Tarog na Bliss starring Iza Calzado, Ian Veneracion and TJ Trinidad. Pero sa pangalawang review, binigyan na ng R-18 Without Cuts ng MTRCB ang pelikula kaya maipapalabas na ito sa May 10.

Habang ginagawa ang pelikula, hindi raw inisip ng Heneral Luna director ang magiging reaksyon ng mga konserbatibong sector sa Bliss.

“Hindi ko siya iniisip habang nagsusulat ako kasi nakakasira yon ng diskarte. So parang nagpo-focus lang ako kung ano yung objective ng pelikula which is to create something na -- una, hindi pa masyadong nakikita dito sa context ng Philippine cinema.

“And second, gumawa ng psychological horror na medyo pinu-push yung bounderies in terms of taste. So, hindi ako masyadong nag-alala about the conservative…

“Parang after na nun, nung tapos na ang pelikula, naisip ko na may chance na ma-X siya pero I don’t think naman na ganu’n kasarado yung panel (ng MTRCB),” kuwento ng director.

Inamin din niya na hindi pa niya alam kung magugustuhan ng LGBT ang kanyang pelkula lalo pa’t tumatalakay ito sa pang-aabuso at partly sa child molestation.

“Yon yung titingnan ko muna actually. Kasi wala pa naman akong nababasa so far. Tingnan na lang natin kung anong reaksyon,” reaksyon niya.

Naging monumental hit ang Heneral Luna, tapos sobrang controversial ang Bliss, hindi ba napakahirap sundan ng dalawa niyang pelikula?

“Ginusto ko naman lahat ito. Pero sinadya ko na after Heneral Luna, sobrang iba muna yung gagawin ko para lang mabawasan yung pressure na sundan kaagad ng something na mas mataas pa sa Heneral Luna.

“As I keep telling people, sabi ko sa sarili ko, after ng Luna, gagawa ako ng isang napakasimple at maliit na pelikula,” tawanan ang press sa deskripsyon na “simple” lang ang Bliss.

Hirit pa ni Direk Jerrold, “Pero we will start shooting Goyo (Gregorio del Pilar) this May, so yon yung susunod na pahirap sa sarili ko.”

In his 10 years as a director, may mga artista raw siyang nasa bucket list na gusto niyang makatrabaho.

“Madami pa, eh. I mean, sina John Lloyd (Cruz). Actually, fan ako ni Therese Malvar and Barbie Forteza,” sey pa niya.

Ayon pa sa director ng Bliss, maituturing na ‘crazy movie’ ang kanyang latest master piece. Pero hindi pa raw ito yung pinaka-baliw niyang pelikula.

“Sabi ko nga, hindi pa talaga full baliw yung Bliss. Hindi pa. Pero sobrang napagod ako sa paggawa ng Bliss, so I don’t know, baka matagal-tagal pa bago masundan ito.”

Samantala, confident ang director na katulad ng nangyari noon sa Heneral Luna, tatangkilikin din ng publiko ang Bliss. “Usually, pag ganitong walang malaking marketing arm, word of mouth pa rin talaga yung mangyayari diyan, eh. Kahit gaano mo i-push yung social media, we’re still hoping na word of mouth talaga yung magdadala dito sa Bliss,” pagtatapos ng director.