Kiana and Paolo Valenciano give an update on brother Gab

Kiana and Paolo Valenciano are still hopeful that brother Gab and his wife will still get back together.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

4/29/2017 9:41 AM
Kiana and Paolo Valenciano give an update on brother Gab


042917-PaoloKiana_PUSH.jpgMagsasama muli sa isang proyekto ang Valenciano siblings na sina Paolo at Kiana Valenciano para sa Manila X Music and Fashion Festival na magaganap sa darating na May 26 sa Circuit Makati.

Dito naibahagi ng magkapatid na Valenciano ang kanilang kasiyahan para sa muling pag sasama-sama nila ng kapatid na si Gab matapos ang naging marital issues nito kay Tricia Centenera.

"I'm glad that he's back with us, I think family influence is very important and you know a lot of things happen in the past and I keep that in my family, that this is the version of Gab that I really love the most he's changed for the better and no matter what happen we're still here for him."

Naniniwala naman si Kiana na unti unti ng nagiging maayos ang kapatid na si Gab dahil sa pagiging creative nito.

"It's nice kasi he's back with his creative self e, he's constantly creating ideas. Recently sabi niya 'let's make a new cover video' and it’s nice kasi I see him again na parang he wants to share to people his talent again."

Sa usapin naman ng mga posibidad na balikan ni Gab at Tricia umaasa pa din ang pamilya Valenciano na maayos ito ni Gab at Tricia sa tamang pagkakataon.

"Anything is possible, we've been praying for them. Tricia and the Valencianos are still good friends, everything is good naman now, but we all have that feeling inside na sana maayos pa," pahayag ni Paolo.