EXCLUSIVE: Cathy Remperas wants to make a showbiz comeback

Cathy Remperas admits she regrets missing a lot of opportunities.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

4/29/2017 9:38 AM
EXCLUSIVE: Cathy Remperas wants to make a showbiz comeback


042917-Cathy_PUSH.jpgNagbabalik sa showbiz ang dating Pinoy Big Brother Double Up housemate na si Cathy Remperas na ang bagong screen name ay Catherine Rem. Siya ang partner ng Star Music artist na si Orlando Sol sa kauna-unahang video seryeng Kailan Darating Ang Ayoko Na para sa album ng singer titled Emosyon na idinirek naman ni Maryo J. delos Reyes.

Ayon kay Cathy, na-miss niya ang showbiz dahil apat na taon din siyang nawala.

“Alam mo nung nagka-project ako, when I was in front of the camera, first take yon, don ko na-realize na acting is something I love doing. Tapos sabi ko, kung anong projects ang ibibigay sa akin, ibibigay ko na ang lahat.

“Kasi, nu’ng mga unang opportunities na naibigay sa akin, medyo hesitant pa ako at hindi ko pa nagagalingan yung craft ko,” simula niyang pahayag sa PUSH.

After PBB, nasa isang relasyon din daw siya kaya hindi siya nagtuluy-tuloy sa showbiz kahit pa ipinu-push ng ABS-CBN ang love team nila ni Johan Santos na ka-batch din niya sa PBB.

“Yes, nasa relasyon ako noon, after Pinoy Big Brother, tapos nabigyan kami ng love team opportunity ni Johan Santos. I was young then, hindi ko pa alam at matantya kung ano talaga yung ipa-prioritize ko that time,” pagre-recall niya.

Dagdag ni Cathy,  “Kasi, siguro kulang pa ako ng guidance. Wala akong manager that time, so, do’n ko nga naisip na kung meron pala akong manager noon baka mas naging smooth yung flow at baka guided ako.”

Nanghinayang din daw siya sa mga opportunities na pinalampas niya noon kaya nagkaroon siya ng regrets.

“Alam mo, yung time na hindi na ako nag-aartista for almost four years, nasayangan ako. May regret, lalo na yung time. Kasi hindi ko na maibabalik yung time na young pa yung Cathy, na sana, mas maraming opportunities or nagawang mga projects,” lahad niya.

Ngayon daw ay handang-handa na siyang matrabaho ulit lalo na kung mabibigyan ulit siya ng pagkakataon ng Kapamilya network.

“Kahit anong karakter o projects na ibibigay ngayon sa akin gagawin ko. I’m a freelance actress, so kung meron akong opportunity sa Kapamilya, I would grab it. I am back,” giit pa ni Cathy.

Willing na rin ba siyang magpa-sexy ngayon?

“First time kong gumawa ng love scene don sa video serye ni Orlando Sol, and okey lang, basta anything for the craft,” sagot ng dalaga.

Eh, ano naman ang  masasabi niya sa dating ka-love team na si Johan Santos na certified father na ngayon?

“I want to congratulate Johan Santos. Alam mo, pinapanood ko pa rin siya sa TV, eh. Nung napanood ko siya sa mga commercials, I was really proud of him. Sabi ko, wow. He’s a very good looking guy and feeling ko, may opportunities din siya sa showbiz,” reaksyon ni Cathy.