• Home
  • Fresh Scoops
  • Ogie Alcasid says it’s a challenge judging kids on Tawag ng Tanghalan

Ogie Alcasid says it’s a challenge judging kids on Tawag ng Tanghalan

Ogie Alcasid also talks about daughter Leila’s showbiz efforts.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

4/28/2017 8:00 AM
Ogie Alcasid says it’s a challenge judging kids on Tawag ng Tanghalan


042817-OgieAlcasid_PUSHMAIN.jpgProud daddy ngayon ang singer-songwriter na si Ogie Alcasid para sa kanyang anak na si Leila Alcasid na unti-unti ng pumapasok sa mundo ng showbiz.

Sa panayam na ito kay Ogie sa press presentation ng The Platinum Concert na gaganapin sa May 6 sa Newport Performing Arts Theater, nanatili ang kanyang pag-gabay sa anak kahit na abala siya sa kanyang showbiz commitments sa kapamilya network.

"Hindi naman nawawala sa akin yung pagiging tatay. Siyempre lagi ko siyang pinapaalalahanan na magdasal lagi at maging ma-disiplina sa sarili niya, kasi trabaho ito e hindi ito laro," bungad ni Ogie.

Mula naman sa success ng Your Face Sounds Familiar Kids, nakalinya din si Ogie sa mga programang nakasentro sa mga bagets gaya ng kanyang pagiging bahagi ng hurado sa Tawag ng Tanghalan Kids sa It's Showtime.

Ani ni Ogie challenging ito para sa kanya dahil kailangan maging maingat sa pagbibigay kumento sa mga kids.

"Mas mahirap talaga, kasi ayaw mo naman na masakatan sila dahil mga bata pa sila at talagang pinaghuhusayan nila ang kanilang performance. Hindi tulad noong regular Tawag ng Tanghalan, masasabi mo talaga at pwede mo pa-gong so mas mahirap talaga ngayon," paliwanag ni Ogie.

Dagdag pa ng singer-songwriter "I'm always very excited pag mag-judge ako kasi mga bata pa lang makikitaan mo na talaga na mayroon silang potential sa pag-awit at natutuwa ako kasi mga bata pa lang magagaling na."

Dito naibahagi din ni Ogie ang kanyang pananabik para sa bagong album na kanyang ginagawa under Star Music kung saan makakasama niya ang ABS-CBN Philharmonic Orchestra.

"Excited na excited ako dito dahil most of it ay original and I'll be working with ABS-CBN Philharmonic Orchestra. Exciting kasi medyo madugo ang recording but at the same time excited ako kasi maibabahagi ko na ang mga bago kong composition," pagtatapos na pahayag ni Ogie.