• Home
  • Fresh Scoops
  • Ella Cruz shares excitement about her launching movie with Julian Trono

Ella Cruz shares excitement about her launching movie with Julian Trono

Ella Cruz hopes her tandem with Julian Trono will work.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

4/28/2017 8:03 AM
Ella Cruz shares excitement about her launching movie with Julian Trono


042817-EllaCruz_PUSHMAIN.jpgMagkakaroon na ng launching movie sa Viva Films ang online sensations na sina Ella Cruz at Julian Trono. Ang kanilang love team ay tatawaging Julianella at ang magiging kauna-unahang pelikula nilang pagtatambalan ay ang Fanboy/Fangirl na magsisimula na ang syuting ngayong May.

Parehong viral sa online ang mga sayaw nina Ella at Julian. So far, biggest video hit ni Ella ang dance version niya ng Fifth Harmony’s ‘Work It’ na umabot na ng more than 6 million views.

Sa pelikulang Ang Diary Ng Panget ini-launch bilang love team sina James Reid at Nadine Lustre (Jadine) at confident ang Viva na magiging sikat na love team din ang Julianella.

Eh, paano nga ba nag-start ang tambalan nila ni Julian?

Ani Ella, “Kailangan ko pong gumawa ng music video ko sa kanta ko po na ‘Tamis’ tapos naghahanap po kami ng ka-love team ko siyempre para magkaroon din ng kilig yung music video. Marami naman din pong teen na lalaki sa Viva hanggang sa one time, nagkasama po kami (ni Julian) sa office (ng Viva), at saktong yon ang pinag-uusapan.”

Big factor din daw na sumasayaw si Julian.

“Kasi sumasayaw din naman siya at danceable din naman yung song ko. So sabi ko, ‘Baka naman puwedeng ikaw na lang yung sa music video ko.’ Tapos sabi niya, ‘Oh sige, kaya lang mgkaroon tayo ng deal. Ako sa music video mo, ikaw sa music video ko.’”

Pagkatapos lumabas ng kanilang mga music video ay baka don daw nakita ng Viva ang kanilang chemistry.

“Siguro, do’n na rin po nila nakita (ng Viva) na meron kaming chemistry at do’n na rin kami nag-decide na ituloy na rin namin yung team-up namin,” kuwento pa ni Ella.

Ilang beses na ring na-launch sa showbiz si Ella. Sa palagay ba niya, ang love team nila ni Julian ang mas makapagpapaangat ng career niya?

“Sinabi ko nga sa kanya (Julian), hindi pa rin ako makapaniwala. Feeling ko nilo-launch ulit ako at parang paulit-ulit na siya, pero nando’n pa rin ako sa parang first time ko…

“First time kong aarte pa lang, first time kong mag-aartista pa lang ulit. Siguro ganu’n lang ako kauhaw sa pag-arte… ganu’n ako kauhaw sa gusto kong gawin dito sa industry natin,” pahayag niya.

Dagdag pa ni Ella, “Parang gusto ko lang na eto na yung gawin ko forever—gusto kong umarte, nakakapagsayaw ako, nakakanta na ako—and siguro by this time, etong launching with Julian will be different kasi meron akong kasama, meron akong ka-love team.

“And maybe a more mature, kasi ni-launch ako as Aryana, medyo bagets pa ako no’n, so sweet pa. This time, iba na sa mga projects na nagawa ko po, so parang something new again.”

Hindi naman maitago ni Ella ang excitement sa gagawin nilang pelikula ni Julian.

"It's a romantic-comedy movie, na ginawa naming light, pero may kurot pa din ng konti. Mas gusto namin yung mas realistic, nakaka-relate ang tao.

"Pareho kaming excited kasi first time din naming magkasama sa movie. Iba kasi yung mga ginagawa naming videos together,” nakangiti niyang pahayag.