Sarah Lahbati admits she wants another baby

Sarah Lahbati explains what she misses about having a baby.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

4/27/2017 9:50 AM
Sarah Lahbati admits she wants another baby


042617-SarahLahbati1_PUSH.jpgSarah shares her three-year-old son Zion loves the songs of Frank Sinatra, Beatles and Elvis Presley

Masayang ikinuwento sa PUSH ni Sarah Lahbati kung ano ang mga interes ngayon ng three-year-old son nila ni Richard Gutierrez na si Baby Zion.

Pero hindi pa raw niya ma-distinguish ngayon kung kanino ito nagmana?

“Honestly, I can’t tell ngayon kasi hati. Hating-hati. He’s very sporty at this young age so that side of him he got from Chard. He’s very talkative and friendly.

“Tapos mahilig siyang kumanta. Sobrang hilig niyang kumanta saka may tono siya. Hindi ako biased di ba?” Natatawa niyang kuwento.

Patuloy pa ni Sarah, “Ang hilig niyang kumanta. Mga Frank Sinatra… ‘Fly Me To The Moon’ favorite niya. Old soul talaga. Tapos nung nag-birthday si Tito Eddie (Gutierrez), nagpapunta sila ng band na sobrang galing pero puro Beatles yung kinakanta nila.

“Alam niya (Zion) lahat yung Beatle songs. Tapos nag-play sila ng Elvis Presley, alam din niya. Yung Elvis naririnig niya kay Tito Eddie.

“Ako, I love the Beatles, I love Michael Jackson, gusto ko sa mga future children ko and kay Zion na I’ll start them with old school music saka na yung pop. Kasi nandyan lang yung pop, eh,” lahad niya.

Bukod sa English, tinuturuan na rin daw niyang magsalita ng French ang anak.

“I tried to talk to him in French kahit na parang minsan, ‘what?’ Kasi hindi niya maintindihan. As in he listens to me and he picks up naman what I say in French.

“This is the age kasi na kailangan mo siyang turuan at tutukan. Kaya rin I took a break kasi sabi ng teachers niya sa school na this is the time na you have to be there, you have to teach him what you know, your language. You have to guide him, so talagang I’m doing my best to do that,” sabi ulit niya.

Pang-showbiz din ba si Baby Z?

“Hmm… Tingnan natin. Siyempre, education muna. Ako, I only finished high school. Chard only finished high school. I still want to study so ang dream ko sa kanya makatapos ng school.”

Kelan ba nila balak sundan si Baby Zion?

“Actually, gusto ko na magkaroon na rin ng baby,” pag-amin niya.

“Kasi nakaka-miss yung feeling na ang liit-liit nila at wala silang ginagawa. Kasi si Zion, kailangan kong mag-please ng ilang beses to hug me… alam mo yon? Ang likot na niya, tumatakbo na. Eh, dati wala siyang magawa, nilalamutak ko yung face niya. So, nakaka-miss yung ganu’ng feeling,” pagtatapat niya.

Samantala, bukod sa pagiging aktres and full time mom, author na rin si Sarah ng kanyang librong True Beauty na available na sa iba’t ibang bookstores nationwide.