Piolo Pascual shares details on new movie with Toni Gonzaga

Piolo Pascual explains that his new look is for his role in the movie.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

4/27/2017 9:54 AM
Piolo Pascual shares details on new movie with Toni Gonzaga


042617-PioloToni_PUSH.jpgSa katatapos lang na 15th Gawad Tanglaw Awards, isa ang kapamilya actor na si Piolo Pascual sa mga nakapag-uwi ng Presidential Jury Award for Best Film Performances para sa pelikulang Hele Sa Hiwagang Hapis at Dekada '70.

Sa panayam na ito, pinasalamatan ni Piolo ang mga guro at mga mag-aaral na naniniwala sakanyang galing bilang isang artista.

"Hindi biro ang parangalan ka ng mga guro at mag-aaral so it’s an inspiration for me to do better sa trabaho natin," sabi pa ni Piolo.

Dito naibahagi din ni Piolo ang kanyang paghahanda para sa upcoming movie nila ni Toni Gonzaga after ng hit movie nila ng Starting Over Again noong 2014.

"Nag-start na kami ni Toni ng bago naming movie kaya mukha po akong ermitanyo ngayon kasi para po ito pelikula namin."

Bahagi kasi ng paghahanda sa kanyang role ay ang pagpapahaba ng balbas at bigote.

"Siguro midway through the film pwede na mag-ayos, pero ngayon hindi pa talaga pwede mag shave hangga’t hindi pa tapos ang kalahati ng pelikula kaya mahirap mukha akong sanggano."

Nagbigay patikim din si Piolo ng mga dapat abangan sa pelikula ni Toni, na ibang iba sa huling pelikula nila.

"Hindi naman may pinagdadaanan lang kaya medyo new look. It’s not heavy drama, it's a romantic comedy but maganda yung story something new. Mahirap kasing pantayan yung Starting Over Again…" pagtatapos na kuwento ni Piolo.