Judy Ann Santos says she wants to have baby number four

Judy Ann Santos admits she wants to add a baby brother to her family.

BY RHEA MANILA SANTOS

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

4/27/2017 10:01 AM
Judy Ann Santos says she wants to have baby number four


042617-JudyAnnSantos_PUSH.jpgAfter going on hiatus for almost two years, Judy Ann Santos-Agoncillo admitted she is happy to return as the host of the third season of Bet on Your Baby which starts airing this May. “Pinapipili naman ako ng management kung kailan ako babalik. Nakiusap ako na kung puwede game show muna kasi para sakto lang. Kasi sa totoo kinakabahan ako. Kabado ako sa live audience. Kabado ako period. Hindi ako marunong mag-host period. Medyo naka-prepare naman ako. Hindi naman na toxic yung taping namin kasi naka-two seasons na naman kami. May mga konting changes lang and of course we’re working with kids. Hindi kami puwedeng mag-stay up late and okay din at least I get to go home early to my children. Once a week lang naman yung taping namin. Hindi naman ganun ka-toxic pa yung schedule namin so Bet on Your Baby is really the perfect vehicle for a comeback kasi hindi ma-sa-shock na mapupuyat ka or something. But may adjustment pa rin pero hindi naman malala,” she shared during the Bet On Your Baby presscon held last April 26 inside the ABS-CBN compound.

During their first taping day this week, Juday said she still getting used to hosting a game show again. “Ay kung alam niyo lang kung naka-ilang punta ako ng banyo. Ang daming ganap. Nalulula ako. Ang dami kong buckle, ang dami kong moments na natutulala ako. Para akong hihimatayin na hindi ko maintindihan. Tapos ang tagal kong hindi nag-heels. Lahat yun nagsama-sama sa isang araw. So yung puso ko gusto ako walk out-an. Pero nandun ako sa part na wala akong ibang naramdaman kundi gratefulness kasi nandito pa rin ako, nakabalik ako at may show na naghintay sa akin na inaabangan ng mga tao,” she admitted.

The 38-year-old actress revealed the new season will have some changes for its fans. “May iba lang pero hindi naman malaking change. May mga konting tweaks lang like nanibago ako sa set, napakaganda nung set. Siyempre nung first taping day namin kahapon nangangapa ako. May bagong surprise element but other than that masaya naman. Wala naman masyadong panganganay,” she added.

At the end of the month, Juday said she is also looking forward to flying to Europe to celebrate her wedding anniversary with husband Ryan Agoncillo. “Mag-e-eight years na kami. Mag-i-Italy kami. Before pa kami maglatagan ng Bet on Your Baby, naka-schedule na siya. Yung stylist ko ikakasal din kasi sa Italy so actually yun naman talaga yung rason. Hinabaan ko lang ng slight yung alis namin kasi sayang naman yung pamasahe. Tapos medyo matagal rin yung alis namin ni Ryan na kaming dalawa lang,” she shared.

Juday said she is very happy with her husband and three kids but she is also open to having a bigger family in the future. “Bet naman. Pero hindi ngayon. Huwag muna. Kailangan siya paghandaan. Hindi siya puwedeng biglaan though okay na kami sa tatlo. Kumpleto na kami eh. Parang it’s the perfect bilang sa isang pamilya. Three is enough. Kung i-bless kami ni Lord ng isa pa without really trying, ibig sabihin para siya sa amin. Kung hindi naman okay lang din. Ibig sabihin dapat tatlo lang ang supling namin. Para mabigyan namin ng proper attention ang bawat isa sa kanila. Nag-wo-work sa amin yung five years apart,” she said.

Since they have been spacing their kids at five years apart, Juday said she is not looking forward to getting pregnant at 44. “Mahirap magpapayat eh. Dun na tayo sa pagpapapayat factor. Nagkataon lang na five years pero nag-wowork sa amin yung five kasi si Yohan inalagaan si Luna, si Lucho wala ng selos kay Luna. So yung age gap nila it worked for us and at the same time hindi rin yung ngarag pag lumalabas ng bansa or umaalis pag namamasyal kasi meron ka ng katulong magpalit ng diaper, may katulong ka na gumawa ng gatas, may nauutusan ka na,” she explained.

But the Bet On Your Baby host admitted she wouldn’t mind to have another baby boy even though it might surprise her husband. “Naku si Ryan baka himatayin pag nalaman ito. I’m sure malalaman niya ito sa YouTube. Ako okay din may isa pang boy. Kasi ang lambing lambing talaga ng boy. Kasi pag girl sa daddy talaga eh. Pero si Lucho fills me with so much love. Buong buo ako kay Lucho. Kung biyayaan ako ng isa pa okay lang naman din. Pero Lord hindi naman agad. So huwag sanang digital ang sagot. Okay lang na mahina ang internet natin sa Pilipinas (laughs). Medyo tagalan natin ng slight. Hindi naman namin nakaplano na magkaroon ng fourth baby. We’re more than okay with three. Okay na muna yun. Ipon ipon muna mars,” she said.