• Home
  • Fresh Scoops
  • Gary Valenciano has advice for daughter Kiana on how to handle bashers

Gary Valenciano has advice for daughter Kiana on how to handle bashers

Having dealt with a lot of criticism himself, Gary Valenciano understands what daughter Kiana is experiencing.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

4/28/2017 7:58 AM
Gary Valenciano has advice for daughter Kiana on how to handle bashers


042817-GaryV_PUSHMAIN.jpgGame na game na na nakipag-jamming si Mr Pure Energy Gary Valenciano sa Thanksgiving party para sa success ng kanyang Gary V Presents concert series namhuling mapapanuod ngayong May 12, 13, 19 and 20 sa The Theater Solaire Resorts and Casino.

Bilang pasasalamat, naghandog din ng performance si Gary ng kanyang all time hits gaya ng “Di' Bale Na lang,” “Wag Mo Na Sanang Isipin” at “Hataw Na” na laging rinerequest sa kanyang mga concerts.

Bukod dito, hindi naiwasawan na itanong kay Gary kung ano ang kanyang reaksyon sa naging experience ng kanyang bunsong anak na si Kiana Valenciano sa mga bashers dahil sa pagiging close nito kina James Reid at Nadine Lustre.

"Ako naman I don't judge people, may dahilan siguro yung tao kung bakit bina- bash si Kiana but my concern was si Kiana so nagbigay lang ako ng kaunting encouragement sa kanya," paliwanag ni Gary.

Aminado si Gary bilang tatay ay na nasaktan siya para kay Kiana ngunit sinigurado niya na okay ang kanyang anak.

"Okay naman siya ngayon pero siyempre masasaktan siya. Siguro yung basher niya nasaktan din dati kaya siya naman ang nag bash ngayon so I have to understand that."

Bilang isang public figure, hindi na din bago kay Gary ang mahusgahan kaya nagbigay ito ng payo sa anak.

"Dahil sa mga napagdaanan ko noon, ang sabi ko sa kanya 'kung sino ang nagdi-define sa ‘yo hindi yun ang sinasabi ng tao lalo na ang mga basher. Always go back kung sino man ang talagang mga nagmamahal sayo unconditionally,'” pagtatapos na pahayag ni Gary.