• Home
  • Fresh Scoops
  • Four Pinoy films to be featured at Cannes’ short film corner

Four Pinoy films to be featured at Cannes’ short film corner

Four Pinoy short films are heading to Cannes as part of the festival.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

4/27/2017 9:36 AM
Four Pinoy films to be featured at Cannes’ short film corner


042617-Cannes_PUSH.jpgApat na short films mula sa Pilipinas ang napili para sa short film corner ng 2017 Cannes International Film Festival na magsisimula ngayong May.

Kasama ang apat na ito sa 827 films sa Short Film Catalog of Cannes at hanggang ngayon, open pa rin ang registration ayon sa festival website.

Hindi competition ang Short Film Corner pero binansagan ito bilang “the essential rendezvous for filmmakers.”

Ito rin ang nagiging venue ng baguhang filmmakers para makilala sa international film market na nagsimula noong 2004 “the place to present their films, make meetings reality and take decisive steps for their future careers.”

Una na sa apat na Filipino films ay mula sa seasoned independent film director na si Ralston Jover na nakilala sa kanyang past works gaya ng Hiblang Abo, Hamog, Da Dog Show, at Bendor.

Ngayon, entry nya ang Love Remembers, isang 11-minute na short film na pinagbibidahan ni OJ Mariano at Mercedes Cabral na tatalakay sa pagbabalik ng isang OFW sa Pilipinas para hanapin ang bangkay ng kanyang anak sa isang sementeryo na tutulungan ng isang mentally-challenged na babae.

Pangalawa naman sa entries ang Nakaw directed by Alvin Belarmino at Noel Escondo starring Kristoffer King. Seven minutes ang running time ng pelikula na tungkol sa sampung taong gulang na bata na kumuha ng wallet ng nakatatandang babae na nagsimula ng maraming pagbabago sa limang characters sa pelikula.

Kasama rin ang 12-minute short film na Ayo-Ayo na classified ng festival bioang "film school film.” Directed ito ni Reena Dunque na tungkol sa buhay ng isang bata sa probinsya. “A boy from the province who moves to Metro Manila for college and faces the challenges brought about by the domestic migration,” ang dagdag na information tungkol dito.

Pang-apat ang 15-minute na Blood and Ink (Dugo at Tinta) na joint production ng Philippines at United Kingdom. Directed by Jill Damatac, ito ay “an intimate short documentary meditating on identity through the story of the Philippines’ last indigenous tattoo artist and the director, returned to her birth country after 22 years as an illegal immigrant in the United States.”

Ayon sa Cannes Film Festival Committee, magkaiba ang Short Film Corner at ang Short Film Competition.

"The Short Film Corner is different from the festival’s Short Film Competition where the official selection has yet to be announced as submissions are still being accepted."

Noong 2016, nakasali ang Imago ni Raymund Ribay Gutierrez kung saan starring si Ruby Ruiz bilang official entry ng competition. Kasama nito ang pelikula ni direk Brillante Mendoza, ang Ma’ Rosa na umani ng tagumpay.