• Home
  • Fresh Scoops
  • Sarah Lahbati reacts to possibility of playing the role of Valentina

Sarah Lahbati reacts to possibility of playing the role of Valentina

Sarah Lahbati remains grateful that younger girls idolize her.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

4/26/2017 9:07 AM
Sarah Lahbati reacts to possibility of playing the role of Valentina


042517-SarahLahbati_PUSHMAIN.jpgHappy at excited ang aktres na si Sarah Lahbati nang nakapanayam ng PUSH ito sa kanyang launch para kanyang book na True Beauty (How to Glam your Life Inside and Out).

Kuwento ni Sarah dahil first time niya magkaroon ng sariling libro, siya mismo ang nagtrabaho para sa mga nilalaman nito.

"I'm so excited to finally launch this. I put so much effort and I've written a lot for this book and passed a lot of photos. It’s basically a book na gusto ko when people read this I want them to inspired, I want them to reach their goal," panimula ni Sarah.

Ani pa ni Sarah, hangad niya na magbigay inspirasyon sa mga young moms gaya niya at sa mga bagong henerasyon ng mga kababaihan ngayon.

"I hope girls, mothers, and young mothers will get a lot of inspiration with this book that I wrote. That's my goal. Kasi when you have a goal hindi naman smooth sailing all the time, may mga challenges na pwede mangyari. You just have to stay focused lang," pahayag pa ni Sarah.

Bukod dito, masaya din ang hot mama dahil marami pa din sa mga young generation of girls ang umiidolo sa kaniya. Pero para kay Sarah, siya din mismo ay madami pang kailangan na matutunan.

"Nakakataba ng puso na iniidolo pa rin ako ng young women because I'm not trying to be a role model. I just want to share my story and I hope to inspire you because I'm not perfect, Siyempre marami pa din ako pagkakamali at kailangan pang matutunan."

Samantala, nagbigay pahayag din si Sarah sa mga umuugong na balita tungkol sa puwedeng pag ganap nuya sa iconic villain na Valentina.

"Honestly I have no idea, nababasa ko siya but I have no confirmation from Viva Management. Pero kung matuloy man, of course I would love to play a villain and I would love to play Valentina. Sana… but if it's for you its for you," pagtatapos na pahayag ni Sarah.