• Home
  • Fresh Scoops
  • John Lloyd Cruz gives an update on reunion movie with Sarah Geronimo

John Lloyd Cruz gives an update on reunion movie with Sarah Geronimo

The actor also adds what it’s like working with a new director on his reunion movie with Sarah.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

4/26/2017 3:31 PM
John Lloyd Cruz gives an update on reunion movie with Sarah Geronimo


042517-JLC_PUSHMAIN.jpgIsa ang Kapamilya actor na si John Lloyd Cruz sa pinrangalan ng Presidential Jury Award for Best Film Performance sa katatapos lang na 15th Gawad Tanglaw Awards.

Kinilala ang galing ni John Lloyd para sa kanyang pag ganap sa mga pelikulang Honor thy Father, Hele Sa Hiwagang Hapis at Ang Babaeng Humayo.

"Sa panahon po ngayon bibihira na ang nagbibigay panahon sa mga ginagawa natin, kaya masarap sadyain at puntahan ng personal ang mga pagkilala gaya nito," bungad ni John Lloyd.

Bukod dito nakatakda na din na ipalabas sa mga susunod na buwan ang isa sa mga inaabangang balik tambalan nila sa pelikula ni Sarah Geronimo.

Kuwento ni JL malaking pagbabago at adjustment ang pinagdaanan nilang muli ni Sarah sa kanilang maituturing na reunion movie after ng You Changed My Life noong 2009.

"Malaking pagbabago yan (laugh) para kasi kaming nangangapa ni Sarah, I mean it's a reunion film sa amin ni Sarah, pero wala yung isang partner in crime namin wala si Direk Cathy and ibang iba experience naman ang na-eenjoy namin kay Direk Ted Boborol," sabi ng aktor.

"Napaka bago nung naibibigay at naibabahagi sa amin ni Direk Ted kaya enjoy kami sa shoot hindi ko alam kung mabilis lang ba talaga lumipas ang panahon ngayon pero siguro iba lang ang captain namin ngayon, iba yung style, iba din yung kumpas niya sa amin, so bagong bago ang experience sa amin ni Sarah," dagdag pa niya.

Samantala, naibahagi din ni John Lloyd na bukas din siya sa mga posibilidad ng pag gawa muli ng teleserye kung ito ang ipagkakaloob sa kanya ng management ng ABS-CBN.

"Alam niyo this is my last year sa contract ko, so gusto kong masulit yung buong taon at gusto ko ma prioritize kung ano man ang ipagkakatiwala sa atin ng management," ani John Lloyd.