• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Grae Fernandez not comfortable talking about dad Mark Anthony Fernandez

EXCLUSIVE: Grae Fernandez not comfortable talking about dad Mark Anthony Fernandez

Grae Fernandez also talks about his team-up with Andrea Brillantes.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

4/26/2017 9:04 AM
EXCLUSIVE: Grae Fernandez not comfortable talking about dad Mark Anthony Fernandez


042517-GraeFernandez_PUSHMAIN.jpgPangako Sa ‘Yo ang huling teleseryeng pinagsamahan nina Grae Fernandez at Andrea Brillantes kaya masaya ang aktor na kasama rin niya ang dalagita sa pinakabagong teleseryeng Ikaw Lang Ang Iibigin na pinagbibidahan nina Kim Chiu, Gerald Anderson, Coleen Garcia, at Jake Cuenca.

Mas komportable na rin daw siya ngayong katrabaho ang dalagita.

“Comfortable na kasi kami sa isa’t isa kaya hindi ka na maiilang sa kanya. Saka acting-wise, okey na kami,” sey pa niya.

Grae is only 15 years old at si Andrea naman ay 14 at normal lang sa mga ganu’ng edad ang nagkaka-crush. Hindi ba niya crush ang ka-love team?

“Friends lang muna po,” natatawa niyang pahayag na halatang gustong umiwas sa tanong.

“Kaka-fourteen lang po ni Andrea. Bata pa po kami pareho,” hirit pa niyang nakangiti.

Lalo pang napangiti si Grae nang tanungin namin kung posible bang duating yung time na mag-blossom ang kanilang friendship para sa isang seryosong relasyon.

Ani Grae, “Only time will tell na po tungkol don. Pero siyempre po nagagandahan po ako sa kanya. Saka mabait po siyang katrabaho at friend.”

Bukod kay Andrea, ini-reveal din ni Grae ang iba pang showbiz crush niya.

“Si Ate Liza (Soberano) po. Madami pa po, eh. Yung iba, international po, eh, like si Scarlett Johansson… yon po. Madami po talaga.”

Importante ba para sa kanya ang magkaroon muna ng ka-love team lalo na kung nagsisimula pa lang sa showbiz?

“Sa panahon po kasi ngayon, yon po talaga ang trend, eh. Nagsisimula po sa love team like itong Kimerald (Kim Chiu at Gerald Anderson), so ganu’n po siguro talaga.

“Kasi pag love team po kasi, partnership talaga yung binubuo nyong dalawa, eh. Tapos pag tumatanda na po, dini-develop nyo na po yung sariling identity n’yo. Yung iba po tumatagal yung love team. Pero meron namang hindi nagiging successful.

“Yung sa amin po ni Andrea, gusto ko na tumagal din. Yung parang sa Kimerald,” kinikilig niyang pahayag.

Nang tanungin na namin kay Grae ang tungkol sa kalagayan ng daddy Mark Anthony Fernandez niya ay tila natameme siya at hindi nakapagsalita.

“Po? Ah, ayos naman po siya,” pigil niyang pahayag.

Nagtataka lang kami kung bakit biglang-bigla ay ayaw na niyang mag-comment tungkol sa tatay niya. Dati kasi very vocal about it lalo na sa suporta niya sa tatay na nakakulong.

But now, biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Sinabihan din kami ng RM (road manager) niya na bawal daw magsalita si Grae about it dahil utos yon sa itaas (Star Magic).

Meanwhile, magsisimula ang airing ng Ikaw Lang Ang Iibigin sa May 1 at mapapanood ito bago ang It’s Showtime sa ABS-CBN.