• Home
  • Fresh Scoops
  • Yassi Pressman reacts to ‘FPJ's Ang Probinsyano’ extended run

Yassi Pressman reacts to ‘FPJ's Ang Probinsyano’ extended run

Yassi Pressman talks about how the cast of ‘FPJ's Ang Probinsyano’ is like a family to her.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

4/25/2017 8:38 AM
Yassi Pressman reacts to ‘FPJ's Ang Probinsyano’ extended run


042517-YassiPressman_PUSHMAIN.jpgSa naganap na first birthday celebration ng anak ni John Prats at Isabel Oli na si Lilly Feather, present ang ilan sa mga cast member ng FPJ's Ang Probinsyano. Kabilang na si Yassi Pressman na gumaganap bilang si Alyanna Arevalo.

Sa panayam na ito, naibahagi ni Yassi ang kanyang kagalakan sa naging anunsyo ng management na extended hanggang 2018 ang kanilang programa.

"Overwhelming po at sobrang napakalaking blessing talaga kaya gusto namin na magpasalamat po sa lahat ng mga nagtiwala sa amin at sumusuporta sa amin gabi-gabi,” panimula ng dalaga.

Baguhan man sa programa, kuwento ni Yassi na ramdam niya agad ang mainit na pagtanggap sa kanya ng mga bida sa programa kabilang na sa pamilya ni Cardo Dalisay.

"Matagal na po 10 to 11 months na po ako sa Ang Probinsyano. Sobrang close na po ako sa pamilya at buong cast. Nakakatuwa po kasi kung paano yung treatment nila sa ibang tao ganun din po sa akin. Pantay-pantay po ang trato sa lahat pag dinner at lunch sabay-sabay. And we're lucky kasi kahit na araw-araw kami magkakasama marami pa din kami napapagkuwentuhan," kuwento pa ni Yassi.

Ani pa ng aktres, labis niyang ineenjoy ang turingan nilang pamilya sa programa, kung kaya mahirap din para sa kanila ang malagasan ng mga karakter kung kinakailangan sa storya.

"Sobrang mahirap po, lalo na po yung Cebu episode namin, sunod sunod yung mga nabaril na character sa malaking scene kaya parang mahirap yun na hindi na namin sila makakasama. Kasi solid talaga ang tulungan parang magkakapatid na kami sa lahat ng bagay, kahit sobrang dramatic ng mga nangyayari nagtatawanan pa din kami," saad pa ni Yassi.

Malaki din ang pasasalamat ni Yassi para sa malaking blessing sa kanyang career nang maging kabilang siya sa FPJ's Ang Probinsyano.

"Marami po at ito po siguro ito yung pinakamalaking blessing na nakuha ko sa career ko kaya thankful po ako doon," pagtatapos na kuwento ni Yassi.