• Home
  • Fresh Scoops
  • Lotlot de Leon admits her breakdown scene in ‘1st Sem’ is very true to life

Lotlot de Leon admits her breakdown scene in ‘1st Sem’ is very true to life

Lotlot de Leon draws from her personal experiences for her role in ‘1st Sem’.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

4/25/2017 8:30 AM
Lotlot de Leon admits her breakdown scene in ‘1st Sem’ is very true to life


042517-LotlondeLeon_PUSHMAIN.jpgMay isang particular scene si Lotlot de Leon sa pelikulang 1st Sem na talagang hinangaan ng entertainment press na nanood sa preview nito kamakailan sa SM Megamall. Ito ay ang kanyang breakdown scene.

“Parang nangyari na po kasi sa akin ’yon, eh. Na-practice ko na siya sa totoong buhay,” natatawa niyang pahayag.

Patuloy pa niya, “Do’n sa linya pa lang kasi ni Precy (her character), naramdaman ko na na I’m also like her because she felt so alone. She felt like… hindi niya alam kung tama ba o mali kasi nakabuntis ’yung anak niya.

“Very similar to me kasi ang dami kong pinagdaanan, pero minsan hindi mo alam kung tama o mali. So, doon po nanggaling ’yung emosyon ni Precy.”

Inamin din ni Lotlot na naka-relate siya sa karakter na ginagampanan niya on that particular scene.

“I was able to relate to her loneliness, to her frustration, to her being as a mom and sa lahat ng pinagdaanan niya na hirap and struggles, naramdaman ko po talaga.”

Ayon kay Lotlot, she’s not a paranoid type of mom na hindi nakikinig sa sinasabi ng kanyang mga anak.

“Hindi, eh. Kaya nga napagod ako dito kasi puro sigaw, eh. I would make it a point na inuupo ko lahat ng mga bata para if they have something to say, marinig ko isa-isa kung may opinion sila. Because I’ve always been honest to my kids,” reaksyon niya.

Nahirapan ba siyang palikihing mag-isa ang mga anak niya?

“Actually, sa mga anak ko, hindi naman ako nahirapan, eh. Nahirapan ako sa mga kapatid ako, to be honest.

“Kasi sa mga anak ko, alam ko na anak ko sila. Mahirap magpalaki ng kapatid kasi hindi nila ako magulang. So, mahirap yon.

“So hindi ko alam kung tama ba ’yung ginagawa ko na pangaral sa kanila. Kasi lahat ng klase ng usap, minsan umiiyak na ako, nakikiusap, tumatawa, pero sometimes, it doesn’t work. So, nagtataka ako bakit sa mga anak ko nagwo-work, pero sa mga kapatid ko hindi.

“Yon yung isa sa mga nangyari sa buhay ko na medyo do’n ako nahirapan.”

Masaya na rin daw siya sa estado ng kanyang mga kapatid ngayon.

“Okey naman na kaming magkakapatid but siyempre, ’yung growing up years nila, it was a struggle for… I guess not only me but for them. Kasi lagi kong sinasabi sa kanila, ‘Guys, kapatid n’yo ako, hindi nyo ako nanay, but I’m trying my best.’

“But thank God, they’re all okay. Matet is happily married. Ian is happily married. Nakahanap na ng trabaho ’yung dalawa kong kapatid – si Kiko at si Ken. But it was a struggle, before it got to that point, we had to go through all those struggles in life together,” rason pa niya.

Samantala, showing na sa April 26 ang 1st Sem na idinirek ng dalawang ABS-CBN writers na sina Dexter Hermedez at Allan Ibanez. Kasama rin sa movie ang mga baguhang aktor na sina Darwin Yu, Miguel Bagtas at Sebastian Vargas Jr.