• Home
  • Fresh Scoops
  • Jake Ejercito says he enjoys being a ‘stage dad’ to Ellie

Jake Ejercito says he enjoys being a ‘stage dad’ to Ellie

Jake Ejercito is determined to pursue joint custody of daughter Ellie.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

4/25/2017 8:32 AM
Jake Ejercito says he enjoys being a ‘stage dad’ to Ellie


042517-JakeEjercito_PUSHMAIN.jpgSobrang saya ni Jake Ejercito habang pinapanood ang anak na si Ellie Eigenmann na kumakanta kasama ang iba pang apo ni Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada sa kaarawan nito sa Manila Hotel kamakailan lang.

“First time kong naging stage dad,” natatawa niyang kuwento.

“Kasi, di ba, I missed her graduation? So, I’m very proud na she was able to go upstage with her cousins, tapos most of them, ngayon niya lang nakilala,” dagdag pa niya.

Binigyan din daw niya ng little advice ang anak bago ito nag-perform.

“I just told her na to keep on smiling, and ‘don’t mind all these people and just look at your dad.’ And that’s what she did,” tuwang-tuwa niyang sabi.

Mabuti naman at ipinahiram sa kanya ni Andi Eigenmann ang anak para sa birthday ng Daddy Erap niya.

“I’m very thankful na napahiram sa amin si Ellie for this very special occasion. Kasi, di ba, once in a lifetime lang naman na mag-e-eighty ang Daddylo (tawag ng mga apo niya sa dating Presidente) niya, it’s a milestone, so very thankful naman kami na kasama namin si Ellie.”

Ano na ba ang update sa petition for joint custody (kay Elllie) na inihain niya sa korte?

“I think, they (kampo ni Andi) just sent their reply which I haven’t read yet. But yes, ongoing (ang case).

“I think it’s only right for, you know, a father to spend time with his daughter, di ba? We’re not asking for much,” balita niya.

Importante daw kasi para sa kanya ang magkaroon ng oras para sa anak lalo pa nga’t lumalaki na ito ngayon.

Ani Jake, “That’s very important especially during a child’s formative years.”

May reaksyon din si Jake sa tanong kung bakit hindi na lang sila nag-usap ni Andi para hindi na mauwi sa demandahan ang lahat.

“I’ll just say na hindi aabot sa ganito, na magpa-file kami ng case kung nakakausap siya nang maayos. We tried going through a lot of people. A lot of people,” lahad niya.

“Actually, we started preparing for the case last year pa, late last year. But hindi namin itinutuloy because we’re hoping na mapag-usapan.

“So, it’s a bummer na pinapalabas nila na hindi kami marunong makipag-usap,” pagtatapos niya. Umaasa si Jake na mas makakasama na niya nang madalas ang anak.

“You know kasi, that’s what really sad about it, eh. I already missed three years, the first three years of Ellie’s life. So, bakit pa nila ipapagkait? Ang dami ko nang na-miss, her first step, mga ganu’n. Ang sakit nu’n for a dad,” he said.