• Home
  • Fresh Scoops
  • John Prats and Isabell Oli celebrate daughter Lilly Feather’s first birthday

John Prats and Isabell Oli celebrate daughter Lilly Feather’s first birthday

Feather’s party was a star-studded affair which included the presence of Angelica Panganiban and Yassi Pressman.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

4/24/2017 3:40 PM
John Prats and Isabell Oli celebrate daughter Lilly Feather’s first birthday


042417-JohnPrats_PUSH.jpgStar studded ang naging first birthday celebration ng only daughter ng couple na sila John Prats at Isabel Oli para sa kanilang Baby na si Lilly Feather.

Dinaluhan ng ilan sa malalapit na kaibigan at ka-trabaho ng couple ang birthday party kabilang dito ang ilan sa mga executives ng Dreamscape Entertainment kasama ang business unit head na si Deo Edrinal.

Kasama din sa nakisaya ang ilan sa kasamahan ni John Prats sa FPJ's Ang Probinsyano na sina Marc Solis, Micheal Jornales at Benj Manalo.

Humabol din ang aktres na si Yassi Pressman upang maki-celebrate kay Feather.

Hindi din nagpahuli para maki celebrate ang ilan sa Banana Sundae barkada ni Pratty na sina Sunshine Garcia, Jayson Gainza, Ryan Bang at Angelica Panganiban.

Present din ang mag-asawang Patrick at Nikka Garcia. Pati na rin sina Kean Cipriano, asawa nitong si Chynna Ortaleza, at Hayden Kho kasama ang cute na cute na anak nitong si Scarlet Belo.

Spotted din sina Diana Zubiri, LJ Reyes at kapatid ni John na si Camille Prats.

Bilang mga first time parents, hindi naman maitangi ang saya nila John Prats at Isabel Oli para sa first birthday ng kanilang baby.

"Happy ako kasi sa dami ng pinagdaanan namin ni John as a first time parents, challenge talaga para sa amin especially pag magka sakit and now we are here at One and we survived kasi okay kami and I'm very happy," ani ni Isabel.

Life changing experience naman kung ilarawan ni Pratty ang magpalaki ng anak.

"Ang bilis parang another milestone sa buhay namin as parents and alam namin marami pang milestone na darating sa buhay namin."

Bilang mga magulang naman, hiling ni Isabel at John na maging malusog ang kanilang baby. Wish din ni John, na sana ay manahin ng kanyang anak ang kanyang husay sa pagsasayaw.

"Maging happy baby sana siya paglaki niya, gusto ko din magkaroon siya ng positive vibes at sana sa ‘kin niya manahin ang talent sa pagsasayaw," pahayag ni John.