Sinulog Queen wins Reyna ng Aliwan 2017

Cebu beauty Marla Alforque wins the Reyna ng Aliwan 2017 crown.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

4/24/2017 12:33 AM
Sinulog Queen wins Reyna ng Aliwan 2017


042417-SinulogQueen_PUSH.jpgAng Sinulog Queen na si Marla Alforque ang kinoronahan bilang 2017 Reyna Ng Aliwan. Tubong Carcar, Cebu si Marla na nadaig ang 19 pang mga kandidata sa coronation night na naganap last April 23 sa CCP grounds.

20 years old na si Marla at Education graduate ng Cebu Technological University. Kasalukuyan naman nagta-trabaho ang beauty queen, na may taas na 5’6”, sa legal department ng Department of Public Works and Highways sa Cebu.

Isa pang Cebuana, si Apriel Smith mula naman sa Dumaguete Utanon Festival, ang naging first runner-up.

Reyna ng Aliwan 2nd runners-up naman sina Venisse Charm Costibolo (#17 Sangyaw Festival ), Ma. Ahtisa Manalo (#9 Niyogyugan Festival ) at Arielle Jazmine Roque (#6 Tuna Festival ).

Base sa nakaraang winners ng Reyna ng Aliwan, ito ang nagiging stepping stone o lucky charm ng ilang kilalang beauty queens para maihanda ang mga sarili para sa national beauty pageants gaya ng Binibining Pilipinas, Miss World PH, Miss Earth PH at Mutya ng Pilipinas.

Ilan sa mga sumali rito ay sina MJ Lastimosa (Reyna ng Aliwan 2008) na naging Miss Universe Philippines 2014; Jamie Herrel (Reyna ng Aliwan 2013) na naging Miss Earth 2014 at Rogelie Catacutan (Reyna ng Aliwan 2011) nanalong Binibining Pilipinas Supranational 2015.