• Home
  • Fresh Scoops
  • Sarah Lahbati reacts to Richard Gutierrez’s P38M tax evasion case

Sarah Lahbati reacts to Richard Gutierrez’s P38M tax evasion case

Sarah Lahbati believes Richard Gutierrez will be able to settle the tax evasion issue.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

4/23/2017 9:06 AM
Sarah Lahbati reacts to Richard Gutierrez’s P38M tax evasion case


042317-SarahLahbati_PUSH.jpgSa interbyu ng ilang entertainment press kay Sarah Lahbati sa presscon ng libro niyang True Beauty: How To Glam Your Life Inside and Out sa opisina ng Viva Films ay hindi naiwasang maitanong sa kanya ang tungkol sa P38M tax evasion case ng partner niyang si Richard Gutierrez na kumalat last Friday (April 22).

Nagulat daw siya at medyo nainis sa balita.

“Kahit sino naman, magugulat saka maiinis sa ganu’ng issue. I know that he will settle it,” reaksyon niya.

“But you know what, it happens to all the celebrities, lagi silang tinitira.

“You know, it’s not my issue to answer. I was going to say, ‘ask Chard,’ but lagi kasing nangyayari ’to, eh, laging tinitira ang celebrities when we all pay our taxes,” patuloy pa niya.

Ayon pa kay Sarah, alam niyang maaayos din ni Richard ang lahat.

“I don’t want to be negative about it because I know Richard will settle the issue and settle it, so just ask him about it. But it always happens, and it’s sad and annoying,” sambit pa niya.

Habang iniinterbyu ng PUSH si Sarah ay nabanggit niya na hindi pa sila nagkakausap ni Richard.

“I’ll call him after this (the presscon),” sabi pa ni Sarah.

Nagbigay din ng reaksyon ang nanay ni Baby Zion sa naging pahayag naman ni Annabelle Rama na parang harassment ang nangyari kay Richard.

“I don’t disagree with her. I mean, I don’t want to go all political here because, again, it’s not my issue to answer but I’m here for Chard, I’m here for him and I know he’s going to go through this because wala siyang ginagawang masama. He pays his taxes, so I don’t know why this is happening and he’ll settle it,” sey pa niya.

Ayon sa report ng BIR, taong 2012 pa diumano hindi na-declare ni Chard ang kanyang kinita kaya kinalkal ito ng ahensya.

Samantala, available na ang book ni Sarah sa National Book Store and Powerbook branches nationwide for only P295.