Megan Young to pursue a career in Hollywood

Megan Young is set to leave for the US in a few months.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

4/23/2017 9:05 AM
Megan Young to pursue a career in Hollywood


042317-MeganYoung_PUSH.jpgSa interbyu ng PUSH kay Miss World Megan 2013 Young pagkatapos ng presscon ng Our Mighty Yaya ng Regal Entertainment ay kinumpirma niya na totoong pupunta siya ng Amerika para subukang makapasok sa Hollywood.

Ayon sa former beauty queen, sa July na ang kanyang alis. Hindi rin daw siya nag-i-expect ng kung anuman sa bagong mundong papasukin niya.

“Actually, I’m starting from zero. I don’t expect anything. I’m really starting from scratch. Kung meron, meron. Kung wala naman, at least I tried,” simula niyang pahayag.

May agency sa Hollywood ang management ni Megan dito sa Pinas (ALV Entertainment) at ito raw ang nag-push sa kanya na i-try ang Hollywood.

“We have an agency pagdating doon. I’m going for a summer workshop. Mas sanay kasi akong magsalita ng Tagalog o Taglish, so kailangan ko ring i-practice ang sarili ko in English or acting in English.

“Kung hindi ko naman ita-try, hindi ko mararanasan. I’m only 27. I might as well do it now. Bata pa naman ako at hindi pa ako nag-aasawa.

“Wala na rin naman akong anak at walang obligasyon sa ibang tao so I might as well try it now and grab the opportunity. Excited ako,” dire-diretso niyang pahayag.

Kuwento pa ni Megan, katulad ng naramdaman niya noon bago sumali sa Miss Philippines World, ganito rin daw ang na-feel niya kaya nag-decide siyang subukan ang pag-arte sa Amerika.

“Ako naman, tulad noong pag-join ko sa Miss World. It’s something na matagal na pinag-isipan. Noon, nagising na lang ako one day na na-realize ko na gusto kong mag-join. It’s something na parang yung gut feel ko. Yon din yung napi-feel ko ngayon,” sey pa niya.

Hindi naman naman itinuturing na advantage ni Megan ang pagiging Miss World niya o pagkakaroon ng international crown kapag sumabak na siya ng audition doon.

“I don’t think it will be an advantage. At the end of the day, titingnan pa rin nila sa profile mo kung sino iyong babagay sa character. Yes, nasa portfolio siya ng agent ko but I think, wala nang ganun pagdating sa casting.

“I think, it’s better na matanggap on the merit of your acting and not because you’re a beauty title holder, although in some instances, it helps,” katwiran niya.

While in America, hindi rin daw siya mag-a-aspire ng modeling career.

“I’m more focused on acting than modelling. I’m not really a model. I like photoshoots but not modelling.

“I want to work where I want to be, pero marami pa rin siyang prosesong pagdaraanan. I’m not speaking long term but let’s see how thing will unfold from here, so, tingnan natin,” sey pa ni Megan na kasama ni Ai-Ai delas Alas sa Our Mighty Yaya which will be shown on May 10.