Jericho Rosales shares his biggest gamble in life

The actor also shares why he admires leading lady Bela Padilla.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

4/24/2017 1:00 AM
Jericho Rosales shares his biggest gamble in life


042417-JerichoRosales_PUSH.jpgAyon sa bidang aktor ng Luck At First Sight na si Jericho Rosales, lahat ng achievement na meron siya ngayon ay hindi dahil sa suwerte kung hindi produkto ng kanyang mga pagsisikap.

“Lahat iyon, blessing from God. I don’t believe in luck. Ginawa niya akong actor with a purpose. An artist with a purpose. “He provides jobs for me. That’s why I have never been scared in my life kasi never niya akong pinabayaan,” simulang pahayag ni Echo sa presscon ng kanilang pelikula ni Bela Padilla na showing on May 3.

Pero inamin ng aktor na may mga pagkakataon sumugal din siya sa kanyang mga naging desisyon.

“Lahat naman tayo, one way or the other, we gamble. Sa mga desisyon natin sa buhay, whether it be in love or in work,” hirit niya. “There are lessons learned (sa pagsugal sa desisyon) and that’s what makes you a better person,” dagdag pa niya.

Ano ba ang pinamalaking sugal na ginawa niya sa buhay o sa career? “Ang pinakamalaking gamble ko, eh, yung kumalas ako sa love team and then pursue my music. Then, I left showbiz for one year, pero despite that, nakabalik ako.

“Nangyayari naman talaga ito when you take chances,” kuwento niya. Samantala, hanga si Jericho sa kaparehang si Bela dahil bukod sa pagiging aktres nito ay magaling din siyang writer. In fact, concept ni Bela ang Luck At First Sight. Gusto rin daw niyang gayahin si Bela

“I also would like to learn the ropes. To learn about the creative side. Kasi ang Viva naman ay open sa co-production. I want also to be a producer at gusto ko ring mag-multi task na natutunan ko kay Bela.” v About having a baby, hindi raw ito ang priority nila ngayon ng asawang si Kim Jones.

“May priorities kasi kami. I have peace in what I do. Ang lahat kasi dapat may tamang timing pero kasama na rin siyempre sa plano iyong magka-baby kami pero definitely not now,” paliwanag ng magaling na aktor.