• Home
  • Fresh Scoops
  • Maymay Entrata bonds with her ultimate musical influence Gary Valenciano

Maymay Entrata bonds with her ultimate musical influence Gary Valenciano

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

4/22/2017 6:38 PM
Maymay Entrata bonds with her ultimate musical influence Gary Valenciano


042217-MaymayGaryV_PUSH.jpgDream come true kung maituturing ng Pinoy Big Brother Lucky season seven Big Placer Maymay Entrata ang mga biyayang kanyang nakakamtan ngayon.

Mula sa iba't ibang TV appearances, sumabak na din bilang isang commercial model ngayon si Maymay para sa isang isang sikat na fast food chain kung saan kasama niya ang kapwa PBB Lucky season seven housemate na si Edward Barber.

Bukod dito, isa na din ganap na recording artist si Maymay na isa din sa kanyang mga pangarap mula noong siya ay nag-aaral pa. 

Kuwento ni Maymay, hindi niya inasahan na malaking pagbabago ang mangyayari sa kanyang buhay pagkatapos ng PBB.

"Masayang masaya po, hindi pa din po nag sink in sa utak ko ang mga nangyayari ngayon at napaka blessed ko po at binigyan po ako ng opportunity ng Star Music para po mai-share ko po ang talent ko," sabi pa ni Maymay.

Pagbabahagi pa ni Maymay, pangarap din niya na makatrabaho in the future ang ilan sa kanyang mga hinahangaang OPM artists.

"Marami po sila Yeng Constantino, KZ Tandingan marami pa po sila Sarah G (Geronimo), Ma'am ZsaZsa (Padilla) at syempre po si Sir Gary V (Valenciano) yung mga kanta niyang halos tagos sa puso po talaga," ani pa ni Maymay.

Samantala, tila nasagot naman ang mga pangarap ni Maymay ng mabigyan siya pagkakataon na maka-bonding at makasama ang kanyang idolo na si Mr. Pure energy Gary V at ang pamilya nito para sa isang hapunan.

Puring-puri din ng talent manager at maybahay ni Gary V na si Angeli Pangilinan ang kabutihan ni Maymay at pagiging positibo nito sa buhay.

Sa ngayon nag umpisa na si Maymay na buuin kanyang debut album na naka takdang ilabas anytime soon.