• Home
  • Fresh Scoops
  • Kathryn Bernardo on her endearment for Daniel Padilla: ‘Nandiyan pa rin yung Bal’

Kathryn Bernardo on her endearment for Daniel Padilla: ‘Nandiyan pa rin yung Bal’

Kathryn Bernardo explains why she called Daniel Padilla ‘mister ko’ in her post.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

4/22/2017 6:36 PM
Kathryn Bernardo on her endearment for Daniel Padilla: ‘Nandiyan pa rin yung Bal’


042217-KathrynBernardo_PUSH.jpgSa Tonight with Boy Abunda, pinaliwanag ni Kathryn Bernardo kung bakit tinawag niyang “mister ko” si Daniel Padilla sa kanyang Instagram post. “Nagpapaderma ako, wala akong magawa e ang hilig kong tumingin ng pictures. Tapos naalala ko ang dami naming magagandang pictures pa na di ko pinopost kasi gusto ko private yung mga ibang pictures. Sabi ko cute ‘to, gusto kong ipost. Nung guesting kasi sa Family Feud, sinabi niya misis ko. Sabi ko parang cute yun. (Kaya inisip ko) anong caption ko, simple lang, ‘mister ko’ at yung alien, feeling ko siya yun.”

Dagdag pa ni Kathryn, “kasi sa movie yan yung tawagan namin mister ko, misis ko na nagustuhan ko siya.” 

Ibig bang sabihin nito ay napalitan na ang tawagan nilang “Bal?” Ani Kathryn, “nandiyan pa rin yung Bal.”

Nang tanungin naman si Daniel tungkol sa reaksiyon niya sa post, “nabigla ako kasi ako lang nagpu-post ng mga ganun e. Nakakatuwa siyempre galing kay Kathryn mismo.”

Pinaliwanag rin ni Daniel ang isang picture kung saan nagpapicture siya kasama ang mga fans na nasa labas ng ABS-CBN.  

Aniya, “bago pa ako pumasok (sa kotse ko) nakita ko na sila nilapitan ko lang naman. Ako Tito Boy, kailangan mo lang malaman kung gaano kalaki ang impact mo sa isang tao, pero hindi yun dahilan para lumaki ang ulo mo. Nalaman ko kasi kung hindi mo alam kung gaano ako kaimportante sa kanila, pwede naman ako pumasok sa kotse ko. Pero alam ko kung saan sila nanggaling, alam ko kung gaano na sila katagal naghihintay and ano ba naman yung picture gaano ba kahirap yun?”