• Home
  • Fresh Scoops
  • Issa Pressman says sister Yassi Pressman gives her advice on her projects.

EXCLUSIVE: Issa Pressman does not feel pressured being compared to sister Yassi Pressman

Issa Pressman says sister Yassi Pressman gives her advice on her projects.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

04/22/2017 06:48 PM
EXCLUSIVE: Issa Pressman does not feel pressured being compared to sister Yassi Pressman

042217-IssaPressman_PUSH.jpgPang-limang pelikula na ni Issa Pressman, kapatid ni Yassi, ang Luck At First Sight ng Viva at N2 Productions, pero hindi naman daw siya naiinip kung mabagal man ang pag-usad ng kanyang showbiz career.

“Ay, hindi po… hindi naman. Ako talaga, for me, in this industry, my personal opinion, fame isn't the game.

“For me talaga is how long you could stay. 'Yung nagtatrabaho ka and at the same time, may iba ka ring trabaho kasi I'm also into filmmaking, I make my own... not official.


“I'm a CommArts student from Miriam so 'yung mga travel videos, mga ganu'n, my own dance videos I make, so parang I also do some personal stuff, so parang I play around the world of art. So iba-iba rin 'yung nagagawa ko,” paliwanag ng kapatid ni Yassi.

Naniniwala din ang dalaga na pana-panahon din lang talaga ang pagsikat sa showbiz.

“I believe na you have to deserve it and in order to deserve what you have kailangang pinagtatrabahuhan mo yon. Kailangang pina-practice mo, you do your best in order to achieve something.

“So minsan may mga... 'yun nga, luck, bigla na lang sumisikat but then, 'yung mga 'yon, eh, pinagbubutihan talaga na mabuo nila 'yung artistry. Ito talaga 'yung parang tumatagal sa business,” rason niya.

Para kay Issa, deserve ng kapatid niyang si Yassi kung ano man ang fame na meron siya ngayon.

“Pinagtrabauhan niya 'yon. Kasi even now, eh, magtatanong pa rin siya. Minsan, nagpa-practice pa rin siya sa banyo. 'Yung mga ganu'n pina-practice niya 'yung skills niya.

“Minsan nahuli ko nga siya, umiiyak sa banyo, nagpa-practice pero kasi ganu'n naman talaga. Kailangan lahat ng mga bagay, showbiz man o hindi, pagtatrabahuhan mo talaga.”

Anong advice ba ang binibigay sa kanya ng kapatid?

"Marami. Kasi marami rin akong mga ginagawa, dancing and acting. Lagi siyang nag-a-advice sa akin. Like for example now, may bago akong ginawang dance video, medyo madilim, hindi niya gusto 'yung una, nagre-shoot kami. Ginawa ko pa rin talaga kasi for her, quality.  She wants the best for me.”

 

Wala naman daw siyang nararamdamang pressure kahit sikat ang sister niya at pinagkukumpara sila.

 

"No, hindi siya pressure. Parang for me, hindi ko siya tine-take as comparison, it's like more of an inspiration. So parang hindi ko nakikita 'yung difference namin but it's like I'm more thankful na she's ahead of me, she's step ahead of me. So parang may naga-guide sa akin. And there is better na merong naga-guide, nagsu-support sa iyo,” pagtatapos ni Issa.