• Home
  • Fresh Scoops
  • Diego Loyzaga admits he did not expect to be given a break again

Diego Loyzaga admits he did not expect to be given a break again

Diego Loyzaga feels lucky that after his personal issues he’s back to work.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

4/22/2017 6:48 PM
Diego Loyzaga admits he did not expect to be given a break again


042217-DiegoLoyzaga_PUSH.jpgHindi na pala ini-expect ni Diego Loyzaga na mabibigyan pa siya ng chance na magbida sa isang teleseryeng kagaya ng Pusong Ligaw kasama ang ka-love team na si Sofia Andres.

Ayon sa binata, napakasarap sa pakiramdam na finally dumating ang biggest break niya pagktapos ng mga pinagdaanan niyang mga pagsubok sa buhay.

“To be honest po, hindi ko talaga ini-expect na mangyayari ito. Hindi ko ini-expect na matutuloy ito, na aabot ako dito, dito sa upuan na ito sa harapan ninyong lahat. Pero andito ako ngayon,” simula niyang pahayag sa presscon ng Pusong Ligaw na magsisimula ng ipalabas sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN on April 24.

Patuloy ni Diego, “Hindi ko ini-expect kasi nga dahil sa mga pagsubok na pinagdaanan ko sa mga nakaraan na mga buwan at taon. Siyempre, mga personal na isyu yon, pero sigurado namang alam niyo naman kung ano yung mga yon.

“So, nawala lang po yung isip ko sa pag-aantay ng teleserye, nagulo lang ako ng konti pero I’m very, very happy to be here.”

Wala na rin daw dahilan para malungkot o ma-upset siya ngayon.

“There’s nothing more to be upset about. Ang nakalipas, nakalipas na. Masaya na ako kung nasaan na ako ngayon at happy talaga ako na kasama ko ‘tong mga ito (referring to the cast),” sabi pa niya.

Pagkatapos ng kanyang mga personal na isyu at problema ay masasabi ba niyang okey na talaga siya?

“I’m good. I’m busy doing what I love. This is my craft, ito yung puhunan ng buhay namin, ito yung ginagawa ng isang artista – kumayod at magsikap para sa sarili, sa pamilya. So, in general, I’m very, very good.

“But if you’re talking about the issues that happened in the past, hindi na siya isyu sa akin. Kung naayos ba yon o hindi, basta sabihin na lang natin na naiwan na lang siya do’n sa past. Tapos na yung isyu na yon at ang ginagawa ko ngayon, araw-araw nagtatrabaho at happy ako sa ginagawa ko,” paliwanag ni Diego.


Samantala, masayang-masaya din siyempre si Sofia Andres na ipapalabas na ang Pusong Ligaw nila ni Diego.


“Unang-una po, nagpapasalamat ako kay Lord kasi sinagot Niya yung prayers ko at prayers namin ni Diego. Hindi ko ma-explain yung feelings, eh.


“Ang alam ko, sobrang saya ko lang kasi finally, ang tagal din ng hinintay namin – two years namin hinintay. Na parang may times na, ‘matutuloy pa ba?’ Tayo pa ba yung love team?’ Pero ngayon, nandito na kami, buo na yung casting, tuluy-tuloy yung proyektong ginagawa namin kaya sobrang overwhelmed and blessed lang talaga,” reaksyon ng dalaga