Sylvia Sanchez reveals plans after “The Greatest Love”

The Kapamilya Gold TV series is in its final 3 weeks of airing.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

4/3/2017 12:07 AM
Sylvia Sanchez reveals plans after “The Greatest Love”


040317-SylviaSanchez_PUSH.jpgTatlong linggo na lang mapapanood ang hit afternoon teleserye na "The Greatest Love" na pinangungunahan ng aktres na si Sylvia Sanchez bilang isang nanay na may karamdaman na Alzheimers disease.

Sa farewell press con para sa kanilang palabas, inihayag ni Sylvia ang kanyang mga plano kapag natapos na ang trabaho para sa serye.

"Plano ko po umuwi sa Mindanao para makasama ang nanay ko. Yayakapin ko siya at gusto ko siyang makasama," lahad ng aktres.

Isang teacher ang ina ni Sylvia at kahit anong pilit niya daw dito na manirahan na sa Maynila ay mas pinipili nito ang simpleng buhay sa probinsya. "Hilig niya doon na magtanim tapos mas nare-relax siya doon dahil nasa tabing dagat kami nakatira doon," ani pa ni Sylvia.

Pasasalamat pa ng aktres na sa iba’t ibang bahagi ng buhay niya ay di nagkaroon ng problema – sa kanyang ina, sa kanyang asawa na sinuportahan siya sa kanyang career at ang kanyang mga anak, na sinusuportahan siya sa kanyang mga desisyon.