• Home
  • Fresh Scoops
  • Jerika Ejercito comments on ex-boyfriend Bernard Palanca’s video scandal

Jerika Ejercito comments on ex-boyfriend Bernard Palanca’s video scandal

Jerika Ejercito admits she hasn’t talked to Bernard Palanca for some time now.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

4/2/2017 9:08 AM
Jerika Ejercito comments on ex-boyfriend Bernard Palanca’s video scandal


040217-JerikaEjercito.jpgPresent sa naganap na charity event ng Center for Aesthetic Study ang ilan sa kilalang mga personalidad sa larangan ng makeup artistry at head ng mga Non-Government Organization sa Metro Manila.

Isa sa mga dumalo si Jerika Ejercito na founder ng programang 'Ilaw ng Maynila' na nagsusulong para sa karagdagang kaalaman at karapatan para sa mga kakabihan ng Maynila.

"Sobrang grateful kasi nakakatulong sila sa mga kababaihan ng Maynila sa programa na foundation ng ating President Mayor Erap. Talagang napakamalapit sa puso ko yan so very grateful ako," masayang bungad ni Jerika.

Kuwento ni Jerika, masaya siya dahil may mga pribadong institusyon na sumusuporta sa mga programa na kanilang isinusulong na naglalayon ng women empowerment.

"Napakagandang opportunity nito kasi-naka focus against violence and women at para maging light naman ang ang pakiramdam nila sa mga pinagdaanan nila," sabi pa ni Jerika.

Dahil aktibo ngayon sa paglilingkod bayan, aminado si Jerika na wala na siyang time para magpa-apekto sa mga negatibong kumento sa kanya sa social media.

"You know hindi masyado. I've learned to filter what I read and what I see online kasi siyempre ayaw ko na magpa-apekto."

Bukod dito, direcho din ang naging pahayag ni Jerika tungkol sa kinasangkutan na video scandal kamakailan ng ex-partner at tatay ng kanyang anak na si Bernard Palanca.

"Personally, nothing kasi matagal na kaming hiwalay. But as a mother since may anak kami I'm very concerned with my child. But luckily my son is only three years old, so di' pa siya aware at may lead time pa ako na mag isip ng tamang sagot pag dumating yung time na tanungin niya ako regarding that," pahayag pa ni Jerika.

Aniya matagal na silang hindi nag-uusap pa ni Bernard.

"Alam naman din ng iba na we've been separated for a very long time. So yung nangyari sa kanya, that is his very own choice, this is all his decision. Labas na ako dyan," pagtatapos na pahayag ni Jerika.