• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Annabelle Rama reveals issues with her former talents

EXCLUSIVE: Annabelle Rama reveals issues with her former talents

Annabelle Rama talks about former talents who were ungrateful.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

4/2/2017 9:17 AM
EXCLUSIVE: Annabelle Rama reveals issues with her former talents


040217-anabelle.jpgIbinulalas ni Annabelle Rama kung ano ang mga karanasan niya bilang talent manager ng mga baguhang artista lalo na kapag nagkaroon na ito ng pangalan sa howbiz industry.

“Ang iba kasi parang mga walanghiya, eh. Pag ‘di pa sikat, mahal na mahal ako. Hindi ako iiwanan. Pag sumikat na, mgawalanghiya na, lumalabas na ang mga sungay,” umpisang litanya ni Tita A.

Karamihan daw sa mga hinawakan niya ay hindi naman niya pinilit kung hindi ang mga ito ang nag-apply sa kanya.

“Hindi naman ako ang nag-recruit sa kanila. Sila ang nag-apply sa akin. May isang nag-apply sa akin, tinanggihan ko pa yon, ha. Pero dahil barkada ni Raymond (Gutierrez), tinanggap ko.

“Ang advice ko sa kanya, ‘magpataba ka muna kasi mukha kang laspag.’ Hindi siya mukhang fresh. Tapos nawala yung artistahing look, pati yung pagdadamit nawala.

“Nung nahawakan ko siya, bumalik yon. Hanggang ngayon andiyan pa siya. Naging sosyal pa dahil nagustuhan ng isang politician. Kung hindi dahil sa akin, makikilala ba niya yung politician na ‘yon? Hindi, di ba?

“Wala siyang utang na loob. Lahat naman sila walang utang na loob. Pagod na ako. Yon lang!” bulalas pa ni Tita Annabelle.

Eh, bakit kumuha na naman siya ng bagong talent? Siya kasi ang manager ngayon ni Kara Mitzki at co-manage sila ng Viva.

“Ayoko na talaga, ayoko na sana talagang kumuha ng bago kasi nakakapagod. Namumuhunan ka rin siyempre – acting workshop, dance workshop –namumuhunan ka, eh. Tapos pag maggu-grow na sila, biglang walang utang na loob, di ba? Mahirap yon, eh,” pahayag nina Ruffa, Raymond at Richard.

“May isa diyan, nag-apply din sa akin, nung nasa TV5, sa ibang network ayaw mag-topless, ayaw maghubad, pero pagdating sa iba, super hubad na, maski sa TV hubad nang hubad, di ba nakakabwisit?

“Ayaw mag-plunging, ayaw mag ganito, ayaw magbikini. O, ngayon, nagpagawa ng dyoga (boobs), lahat, tapos pahubad-hubad na. Mahirap yung ganun, eh.

“Pero baka itong si Kara, binigay sa akinng Diyos. Baka iba naman siya,” rason pa niya.

Nasasaktan pa ba siya kapag tinatalikuranng mga talents na inalagaan niya?

“Hindi na. Manhid na ako… manhid na ako,”pagtatapos ni Tita Annabelle.